chapter 9: Missing Knight

12.7K 261 34
                                    

Chapter 9

MISSING KNIGHT

Kahit sino'ng makakita ay mag-iisip na mga simpleng estudyante lang kami na nakasakay sa school bus at tutungo sa isang field trip. Sino'ng mag-aakala na patungo pala sa impyerno ang school bus na ito? Patungo sa lugar na sinasabi nilang pinagdarausan ng underground fights ng mga pyesa ng laro.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagbibyahe, pero hindi pa rin kami nakakarating sa aming destinasyon. Maybe it was already dark outside. I wanted to peek over the blindfold—yes, we were wearing blindfolds. Pakiramdam ko tuloy ay mga bihag kami at ilang sandali na lang ay sasapitin na namin ang aming katapusan.

The student beside me was crying. I didn't know who she was, but I was certain na baguhan din lang siya sa larong ito. Kanina kasi'y pinapasok muna kami sa bus bago pinagsuot ng blindfold at napansin kong takot na takot ang bata. She was crying since we left Rapsodhee High. Miss Meira called her name, it was Jenna, and told her to cry silently.

Cry silently, yes, that's what Miss Meira said.

Ilang saglit at naramdaman ko ang pagtigil ng bus. I heard everyone gasped. Dahil siguro alam nila na nakarating na kami sa aming destinasyon. I had no idea where we were. I wanted to take the blindfold off and look outside, but someone shouted and said don't. Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos.

Tahimik ang lahat. Bukod sa manakang pagsinghap ng mga estudyante ay tunog lang mula sa makina ng bus ang naririnig ko. Kalauna'y malakas na nagsalita si Miss Meira. She told us to stand up and fall in line while getting out of the bus. It was hard to move when you were blinded by darkness, but I couldn't complain.

I didn't like people giving me orders. I usually do whatever I want, without anyone's consent. However, I wasn't reckless. I knew my limitation, I knew where to stand to keep myself out of danger. Ang Rapsodhee at ang lahat ng taong narito, kailangan kong mag-ingat sa kanila. Hanggat hindi ko nalalaman ang kaliit-liitang misteryo nila, dapat akong mag-ingat. Hindi ako gagawa ng aksyong ikakapahamak ko.

Makalipas ang mabagal na paglabas mula sa bus ay naramdaman ko ang lamig na dulot ng panggabing hangin. Nakasuot pa rin kami ng blindfold at hindi ko alam kung nakalinya pa rin kami habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano'ng lugar ito, pero dama ko ang kakaibang ambiance ng paligid.

Sumunod ako sa agos ng mga estudyanteng kasama ko. I felt someone held my shoulder, probably trying to find anyone to guide him or her. I shove the hand away.

Ilang sandali pa at mula sa lamig dulot ng panggabing hangin ay naging mainit ang paligid. Kahit may suot na blindfold, alam kong pumasok kami sa isang building at walang aircon dito. Nagsimula na ring maging maingay ang paligid, mga bulungan na umuugong sa pandinig ko.

"Take the blindfold off. Now," someone from behind barked.

I hurriedly followed the command. My vision was dark as I was wearing the blindfold for many hours. I had to blink several times bago nagkaroon ng kulay ang paligid.

Ano'ng lugar ito?

Hindi isang arena ang lugar na ito. Mas akmang tawagin na underground battlefield—kung ano man ang maaaring itawag dito. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Pabilog ang buong lugar at madilim. Sa pinakagitna ay may ring at hindi 'yon katulad ng iba na square at may mga lubid sa bawat gilid. Ang ring dito ay malaking bilog na napapaligiran ng mga bakal. Mistulang higanteng hawla ng ibon. May nakaikot na barbed wire sa kinaroroonan ng ring. Parang sadyang inilagay 'yon para walang makalapit sa ring maliban sa mga maglalaban sa loob no'n.

Ito ba ang Underground?

"Welcome to Underground, Miss Strawford. Enjoy watching the fight," sabi ni Miss Meira na nasa tabi ko.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon