chapter 15: The Pawn's Jealousy and Wrath

10.5K 256 44
                                    




Chapter 15

THE PAWN'S JEALOUSY AND WRATH




Tray na puno ng pagkain ang nakita kong nasa harapan ko nang mag-angat ako ng paningin mula sa laptop ko. Dala 'yon ng isang estudyanteng hindi ko kilala. Kumunot ang noo ko at kiming ngiti naman ang isinagot niya.

"What's that?" I asked.

"F-for you, from my classmates." Nilingon n'ya ang isang table at nang tingnan ko 'yon ay nakita ko ang ilang babaeng estudyante na nakatingin rin sa direksyon namin. Lahat sila ay ngumiti sa akin.

"Why are you giving me that?" Kunot noo kong muling binalingan ang babae sa harapan ko.

"Uhm, we thought you are hungry. K-kanina ka pa kasi nakaupo rito. Naisip lang namin na baka—"

"I don't eat burgers," putol ko sa sinasabi n'ya. It was mean, but I had enough. People were getting on my nerves every day. I appreciated that they were respecting me as their new queen, but this was getting nuts. Ridiculous. I didn't need someone to pamper me. I could do anything by myself.

"But—"

"Get lost, take that food with you, and don't ever disturb me again. Understand?" mariin ang bigkas ko sa bawat salitang binitiwan ko.

Natigilan ang babae, ilang sandali siyang napatitig sa akin at pagkatapos ay namumula ang mukhang tumalikod s'ya at bumalik sa mga kasama niya. Malamang ay napahiya s'ya sa ginawa ko lalo pa at lahat ng nasa cafeteria ng mga oras na 'yon ay nakamasid sa amin at pinapanood ang nagaganap. Nakita ko ang ginawang pag-alo ng mga kasama n'yang estudyante sa kanya nang bumalik s'ya sa table nila.

Walang pakialam na ibinalik ko ang aking atensyon sa laptop na nasa harapan ko. This was more important than those kids na feeling close sa akin.

Kahit saan ko tingnan, wala talaga akong makitang negative tungkol sa eskwelahang ito. Lahat ng puntahan kong address sa internet ay nagsasabi kung gaano kaelegante at kaganda ang Rapsodhee High. Kasama sa Top Ten Most Outstanding Universities and Academies sa buong bansa. Nasa rankings din ng academic and sports activities. Isa sa mga school sa buong bansa na may pinakaeleganteng facilities. This school was really elite and no one would think na may kagaguhang nangyayari sa loob nito.

Yeah. I was searching the history of this school. Nagbabaka-sakaling may malalaman akong maaari kong gamitin to know who was that fuckin' guy na ginagawang laruan ang lahat ng tao dito. But after hours of searching, I found nothing. Sigurado ako na isang kilalang tao ang nagpapaikot dito to the point na walang lumalabas na kahit isang negative news tungkol sa eskwelahan. Why not? The game started even before I was born. Marami nang nag-aral at nakatapos dito. I'm sure, kahit isa sa kanila ang nagbalak na ibulgar ang nangyayari sa loob nito. One out of twenty students here before was against the game, I'm sure of that, pero walang nakapagsalita at nakapaglabas ng baho ng eskwelahan.

Why? Of course, because of that fuckin' Player na pumuprotekta dito, or maybe there were other more... like the Underground Council. Hindi ba at hindi lang naman isang eskwelahan ang involve sa mga underground fights? Marami pang iba even though I couldn't name them all. At kung marami ang kasangkot, ibig sabihin lang ay marami rin ang nagpapaikot ng larong ito. That was just my conclusion and I was certain that my conclusion was right.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon