Chapter 9

184 7 0
                                    


CHAPTER 9

Nakaupo si Agatha sa crazy weave patio set sa kaniyang balkonahe at yakap-yakap ang mga tuhod niya habang siya ay nakatanaw sa malayo nang dumating ang mga kaibigang sina Khristine at Vhon.

"Hi marshie! May pasalubong kami sayo.", masiglang pagbati sa kaniya ni Vhon at iniabot ang isang malaking ecobag na galing sa supermarket. Nang tingnan niya ito ay puro tissue paper ang laman noon na iba't-iba pa ang brand.

"Bakit puro tissue?", nagtatakang tanong niya.

"Baka kasi ubos na ang tissue mo dito. Isang buwan ka na kayang 'di lumalabas at umiiyak lang dito. Tingnan mo, mugtong-mugto pa rin iyang mga mata mo."

"Beshie, pati ang Alimento hindi mo na nabibisita. Bahala ka, ikaw din, baka malugi na iyon.", pananakot ni Khristine ngunit batid naman niyang nagbibiro lamang ito.

"Beshie, very stable na ang Alimento, kaya na noon tumayong mag-isa. Isa pa hindi naman iyon pababayaan ng mga tauhan ko.", matabang na paliwanag ni Agatha.

"Eh di sige. Kailan mo planong ituloy ang buhay mo? Habang buhay ka nalang ba magmumukmok dito? Beshie, sa dami nang ala-ala ninyong dalawa ni Devin dito, sigurado ako na sa bawat sulok nito ay maalala mo lang siya."

"Yeah, true. Dito sa balkonahe, sa kwarto, banyo, sala, dining, kitchen, service area.", eksaheradong pag-iisa-isa ni Vhon na ikinatawa naman nilang tatlo.

"Baliw ka talaga! Rated SPG ka na naman. For your information, sa kwarto lang.", nakatawang sagot ni Agatha.

"Hay sa wakas! Nakita ka na ulit naming tumawa." Huminga ng malalim si Khristine bago muling magsalita. "Beshie, isang buwan na din kaming kinukulit ni Devin, nagpapatulong siya sa amin. Ilang beses na din siyang nagpunta dito sa bahay mo at tawag nang tawag sa iyo, pero wala, 'di mo pa din pinapansin. Baka naman beshie handa ka nang kausapin siya at pakinggan? Malay mo maayos niyo pa.", pangungumbinsi nito sa kaniya.

Tumayo si Agatha sa kinauupuan, lumakad patungo sa railings ng balkonahe at dumantay siya dito. Muling naging malungkot ang awra niya. Naramdaman niya ang unti-unting pag-iinit ng mga mata at isa-isang kumawala ang mga luhang buong akala niya ay naubos na dahil sa isang buwan na araw at gabi niyang pag-iyak. Ang mga luhang hindi na rin niya mabilang kung ilang balde na ba ang katumbas.

"How I wish kaya ko na siyang harapin. Kaso beshie, hindi pa din, masakit pa rin.", sabay turo niya sa kaniyang puso. "Hindi ko rin alam kung kailan ako magiging handa. Ang alam ko lang sa ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon. Maybe, I was destined to fall inlove with person I couldn't have, kaya ako ngayon nasasaktan."

Nilapitan siya ng mga kaibigan at niyakap. "Beshie, parang hindi naman ganoon ang nakikita namin. Nasaktan ka nang sobra, kasi, sobra mo rin siyang mahal. Iyon nga lang, sa sobrang sakit na nararamdaman mo ngayon, nabibingi ka na tuloy sa mga paliwanag niyang noon mo pa sana pinakinggan. Pero siyempre naiintindihan ka namin. So, don't rush yourself na magpatawad at harapin siya. Dadating din tayo diyan." Hinawi ni Khristine ang ilang hibla ng buhok na kumalat at dumikit sa kaniyang mukha dahil sa pag-ihip ng hangin at mga luhang kanina pa doon ay dumadaloy.

"Kaya nga marshie, labas ka na ulit, let's unwind. Hindi ka naman namin minamadali marshie na kausapin mo si papa Dev, kasi alam naman namin, na distance is as powerful as time in mending a broken heart.", paliwanag ni Vhon.

"At saan mo naman nakuha iyong padistance-distance mo marshie?", tanong ni Agatha habang nagpupunas ng kaniyang luha gamit ang tissue paper na dala ng mga ito para sa kaniya.

"Sa twitter.", nakangising sagot ni Vhon. Napalitan ng tawanan ang kaninang melodramatic nilang eksena.

Nagpapasalamat si Agatha na mayroon siyang mga tunay na kaibigan na handa siyang damayan at samahan kahit pa sa pinakamalungkot na araw ng buhay pag-ibig niya.

In My Arms Again (BFF Series #1)Where stories live. Discover now