Chapter 4 (Finally! Ngumiti na ang Tadhana)

204 6 0
                                    


CHAPTER 4

Be calm Agatha. Huwag kang magpahalatang patay na patay ka sa kaniya, bulong ni Agatha sa kaniyang isipan nang makita niya si Devin sa kinauupuan nitong stool bar, naroon ito sa bar counter at nag-iisa.

Ang kakaibang kabang hatid ng binata sa kaniyang pagkatao ay muli na naman niyang naramdaman. Ilang sandali pa niya itong pinagmasdan mula sa entrance ng Dizzco bar.

His gorgeous eyes that speak a thousand words, his sexy rosy lips. He's damn so perfect! Parang walang pangit na anggulo.

Napansin ni Agatha na kanina pa palingon-lingon si Devin sa paligid na para bang may hinahanap ito. Simula nang kinanta ng bandang nagpe-perform ng gabing iyon ang You're Beautiful ni James Blunt ay parang awtomatikong kumilos ang katawan ng binata at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita pa ni Agathang ngumiti ito na para bang may naalala.

Ang taray! Pareho kami, ngumingiting mag-isa. Sigurado ako magkakasundo kami.

Finally, she decided to come inside at simulan nang magpapansin sa lalaking sinadya niya roon.

♫You're beautiful

You're beautiful

You're beautiful, it's true

I saw your face in a crowded place

And I don't know what to do

'Cause I'll never be with you.♫

Tila ngayon ay kakampi ni Agatha si kupido at ang tadhana. As she entered and ambled inside the bar ay namataan niyang nakatitig sa kaniya si Devin, as if he's inlove with her, and was enticed by her charm, as if she owned the most beautiful face.

Oh Gosh! Those gorgeous eyes of yours that speak a thousand words.

Binalot ng matinding kabang may halong kilig ang pakiramdam ni Agatha, ngunit ngayon ay kontrolado na niya ang kaniyang pagkilos at hindi niya iyon ipapahalata kay Devin.

Walang kakurap-kurap nitong sinundan ang bawat pagkilos niya hanggang sa makaupo na siya.

Pink laced, off shoulder long-sleeves fitted dress ang suot ni Agatha. Pakiramdam niya ay magiging paboritong damit na niya ito, dahil ngayong gabi ay nakuha niya ang atensiyon ng binata.

She dropped Devin the sweetest smile she could ever give, and he reciprocated it with a smile that melts her heart. She can't believe that this was happening.

"Blue hawaiin mam." Inilapag ng waiter ang cocktail drink sa kaniyang lamesa.

"I'm sorry ha? Pero, I haven't place my order yet.", paliwanag ni Agatha sa waiter.

"Opo mam, alam ko po. Pasensya na po kayo napag-utusan lang."

Nagtatakang tiningnan ni Agatha ang blue hawaiin na ibinigay ng waiter.

"Pasensya ka na talaga pero hindi ko ito matatanggap. Hindi ko alam kung kanino ito galing at hindi ako tumatanggap ng inumin kung hindi ko kakilala ang nagpadala." Napakamot sa ulo nito ang waiter, at nakita ni Agatha na napadako ang mata nito sa kinaroroonan ni Devin. Parang nanghihingi ng saklolong tiningnan ito ng waiter, ngunit nagkibit balikat lamang siya dahil ayaw naman niyang maging isang dakilang assumera.

"Ah, kay sir Villavicencio po iyan galing mam. Ayon po siya."

Nilingon ni Agatha ang direksiyong itinuro ng waiter. Muntik nang malaglag ang kaniyang puso nang masiguradong si Devin nga ang tinutukoy ng waiter na nagpadala sa kaniya ng inumin.

In My Arms Again (BFF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon