Chapter 8

156 5 0
                                    

CHAPTER 8

"Sweetie. How was you're day?", tanong ni Devin sa kaniya na kausap niya sa Skype.

"Okay naman. Ikaw, mukhang pagod na pagod ka at kulang sa tulog. Baka naman sobra kang nagpapakapagod diyan at nalilipasan ng gutom ha?"

"Hindi po sweetie. Don't worry about me. Okay? I missed you."

"I missed you more."

Tatlong linggo na mula nang umalis ng bansa si Devin at nagtungo sa New York para asikasuhin ang plano nitong global expansion. Mahirap man para sa kanilang dalawa dahil sa pagkaka-iba ng timezone at pagiging abala sa kani-kaniyang negosyo ay pinipilit nila Agatha at Devin na magkaroon pa rin ng oras para sa isa't-isa para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila sa isa't-isang kanilang nararamdaman.

Ilang sandali pa silang nag-usap ni Devin sa pamamagitan ng Skype nang nakatulog ito nang hindi pa nakakapagpaalam sa kabilang linya.

"Hmm...kawawa ka naman, pagod na pagod ka. Magpahinga ka na, mahal na mahal kita." Idinampi ni Agatha ang kaniyang mga daliri sa monitor ng kaniyang Apple Macbook Pro na akala mong kaharap lamang niya ang nagmamay-ari ng gwapong mukhang natutulog sa kabilang linya.

Bahagyang siniko ni Khristine si Agatha nang mapansin ang pagkunot ng noo niya at pagsimangot.

"Beshie, bakit ba parang biyernes santo ang mukha mo? Si Dev ang dahilan 'no?"

"Eh kasi Bes...", inihinto ni Agatha ang pamimili ng mga damit sa loob ng Lacoste outlet na nasa loob ng SM Baguio.

Niyaya niya ang matalik na kaibigan na mamasyal nalang at libangin ang sarili. Hindi kasi siya makapag-focus sa kaniyang restaurant at hindi siya makapag-isip nang maayos dahil palaging malayo ang kaniyang iniisip.

Hindi nakasama sa kanila si Vhon dahil kasalukuyang may-ino-audit ito.

"What happened ba kasi? Halika nga muna." Ito na ang nagbaba sa mga damit na tinitingnan at hawak niya at saka niyaya siya nito na pumunta nalang sa Starbucks Coffee Shop na naroon din sa loob ng mall.

"Sobrang busy kasi ni Dev lately. Dati-rati naman ay palagi niya akong tinatawagan para lang ikwento kung ano ang mga ginagawa niya, tapos ngayon, heto at lumilipas ang isa hanggang tatlong araw na hindi man lang siya nagpaparamdam." Napabuntong hininga si Agatha at nangalumbaba sa ibabaw ng lamesang pinuwestuhan nila.

"Beshie, baka naman busy lang talaga si Dev.", pang-aalo ng ng kaibigan sa kaniya.

Devin naman, ano na bang pinaggagawa mo riyan? tanong ni Agatha sa isipan habang nakatanaw ito sa malayo.

"O beshie, kape mo." Iniabot ni Khristine sa kaniya ang brewed coffee na in-order at kinuha nito sa counter. Naupo na din ito sa tabi niya.

"Alam mo beshie, katabi lang kita pero parang ang layo-layo mo. Para kang nasa New York." Tinapunan lang niya ng tingin ang kaibigan.

"Kung sumunod ka na kasi doon, eh di sana ay hindi ka nababaliw sa kakaisip diyan. Tutal naman ay okay naman na ang visa mo at noon ka pa niya pinasusunod doon, para makapagbakasyon ka na rin." Nakikinig lamang si Agatha sa sinasabi ng kaibigan habang nakatanaw pa rin sa malayo. Hindi niya maiwasan ang ganitong pakiramdam, nanghihina siya, nalulungkot at nangungulila sa lalaking minamahal.

Nakuha ng atensiyon niya ang ginagawa ng kaibigang si Khristine, para kasing may hinahanap ito sa magulong gamit nito na nakalagay sa malaking shoulder bag na dala. Sanay na siya sa pagiging burara ng matalik na kaibigan, elementary pa lamang sila ay hindi na talaga ito masinop sa gamit.

In My Arms Again (BFF Series #1)Where stories live. Discover now