Chapter 11

319 21 12
                                    

CHAPTER 11

Napatulala sina Khristine at Vhon kay Agatha na tinitingnan ang ayos ng sarili sa harap ng salamin.

She looked simple yet elegant in her navy blue short chiffon beaded cocktail dress na ipinadala ng kaniyang secret adimirer.

Naluluha ang dalawang kaibigan niya nang lumapit sa kaniya.

"Beshie, ang ganda-ganda mo."

"Marshie, mukha kang dyosang bumaba dito sa lupa."

Niyakap siya ng dalawang kaibigan.

"Para kayong ewan! Bakit may paiyak-iyak pa kayo diyan? Eh makikipag-date lang naman ako sa secret admirer ko." Tumaas ang isa niyang kilay at gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi na may daringly nude color lipstick. Nagtataka siya sa mga kaibigan kung bakit napaka-over acting ng mga ito.

"Eh pagbigyan mo na kasi kami. Masaya lang naman kami para sayo, kasi happy ka na." Niyakap siyang muli ng mga ito.

"You're acting so weird guys. Paano naman naging masaya iyong magiging date namin ng kung sino man iyong secret admirer ko, eh babasted-in ko nga 'di ba? Ayoko naman kasing paasahin iyong tao sa wala, alam niyo naman, si Devin pa rin ang mahal ko. Kaya nagdesisyon na akong pumayag na makipagkita para sabihin ng personal sa kaniyang walang pag-asang maging kami. Hindi ko alam kung bakit ba gusto kong makita at magpaliwanag sa pangbabasted na gagawin ko sa kaniya. Pero iba kasi ang pakiramdam ko sa kaniya, parang connected kami sa isa't-isa at matagal na. So, I believe I owe him an explanation kung bakit 'di pwedeng maging kami."

Nagtinginan lamang ang mga kaibigan niya.

"So anong plano mo marshie pagkatapos mong makausap iyang secret admirer mo?" Naupo na ang mga ito sa kama niya sa kaniyang kwarto.

"Hahanapin ko si Devin. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin.", buo ang loob niyang sagot sa mga ito at walang halong pagdududa.

"Eh paano beshie kung galit siya sayo, tapos hindi ka pansinin? Remember the last time noong nasa Vitalis tayo? Hindi mo lang naman siya pinakinggan at pinaniwalaan ang iba niyang paliwanag, nagwalk-out ka at iniwan siyang luhaan.", sambit ng kaibigan niyang si Khristine, na alam naman niyang sinasadyang konsiyensahin siya.

"Oo na po, guilty na ko. Kung galit nga siya sa akin, eh di, hindi ako titigil hanggang hindi nawawala ang galit niya. Hindi ko siya susukuan hanggang sa mahalin niya ulit ako."

"That's the spirit beshie!", ani Khristine.

"Team AVin for the nth time!", Vhon cheered.

Nilinga-linga ni Agatha ang Martha's, isa sa pinakamahal na restaurant na sikat na puntahan dahil sa kakaibiang ambiance ng lugar. Para kang nagtime travel noong panahon ng kastila kung makikita mo ito. Dito sila, magkikita ng kaniyang secret admirer.

Nag-aalangang pumasok si Agatha sa loob nito. Iniisip niya kung tama ba ang sinabi sa kaniya na petsa ng date nila ng kaniyang secret admirer.

Nakaayos ang paligid. There are flowers everywhere, as if there's a wedding or an engagement party to be celebrated that night. Mayroon blue carpet na nakalatag mula sa entrance nito patungo sa pagdarausan ng event. Pati mga chandelier na nakasabit at kisame ay nakaayos, mayroong mga bulaklak iyon at mga hanging crystal decorations.

Napansin din ni Agatha na mayroong tumutugtog ng violin.

This place is perfectly romantic.

"Are you Ms. Maria Agatha Villafuente mam?", tanong sa kaniya ng waiter ng restaurant.

Tumango siya dito. "Yes, I am."

In My Arms Again (BFF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon