Chapter 43 - One Sweet Day

3.7K 38 7
                                    

ERIK's POV



Punta dito.

Punta doon.

Lakad dito.

Lakad doon.

Libot dito.

Libot doon.

Tapos lakad lang ulit.

Kapagod pero nag-eejoy ako. 

Hindi ko pa rin binibitawan yung kamay ni Alexa. Ayoko nga. 

Sana ganito lang kami palagi. 

Lahat ng makakita at makasalubong namin nakatingin sa amin at parang kinikilig. Tapos naririnig ko yung mga sinasabi nila. 

"Ang sweet naman nila."

"Tignan mo yung couple o, ang cute."

"Bagay sila!"


Ako - (^_______^)

Siya - (>______<)"

Hahaha. Natutuwa naman ako.

Kung saan-saan lang kami nagpunta ni Alexa. Nakakapagod pero okay pa rin. Maya-maya pa, nakaramdam na rin kami ng gutom. Umupo kami sa tabi ng isang malaking puno. Nagpaalam ako kay Alexa na bibili lang ako ng pagkain namin sandali. Tumango lang rin siya dahil gutom na rin daw siya. 

Naglakad-lakad ako para maghanap ng pwede naming kainin. Bukod kasi sa cafeteria at restaurant sa loob nung beach resort, meron din itong maliliit na tindahan na madadaanan mo na pwede niyong kainan.

Lumapit ako sa isang tindahan na nagbebenta ng mga hotdog sandwiches. Umorder ako ng dalawa para sa amin ni Alexa. Bumili rin ako ng dalawang soda. Umupo muna ako sa gilid kung saan may isang maliit na table habang naghihintay maluto yung order ko. 

May isang matandang babae na nakaupo sa tapat ko. Kumakain din siya ng hotdog sandwich at napatingin siya sa akin pag-upo ko. 

Tinitignan niya ako na para bang inaalala niya kung saan niya ako nakita. 

"Tama! Ikaw nga!" - nagulat ako ng sabihin ni Lola. Tapos bigla niyang hinawakan yung mukha ko at pinindot pindot.

Reaction ko lang --> (-______-")

"Ikaw nga yung lalaking yun, hindi ako pwedeng magkamali!" - sabi ulit ni Lola.

Ha?? Ano bang pinagsasabi niya?! 

"Ikaw nga yung boyfriend nung maganda, matangkad at maputing babae na nakabunggo sa akin kanina. Kasalanan mo, nabunggo niya ako dahil hinahabol ka niya." - Lola.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon