Chapter 42 - The Chase

3.5K 42 3
                                    

Erik's POV



Nainip ako sa loob ng cottage, ako na lang rin kasi yung naiwan dahil lahat sila lumabas na. Naiinis pa rin ako sa sarili ko. May pagkakataon na kasi ako kanina para sabihin kay Alexa yung feelings ko pero bigla na lang umurong yung dila ko.

(-___-   )

Ano ba yan, para namang hindi bagay sa akin yung torpe. Hindi naman kasi ako ganun, kay Alexa lang talaga. 

Pero hindi pwede yung ganito. Dapat malaman na niya hangga't maaga pa...

Hayy.. Ang hirap palang sabihin sa taong gusto mo yung totoong nararamdaman mo lalo na at natatakot ka sa kung ano ang maaari niyang maging sagot sa'yo. 

Oo, natatakot ako na sabihin sa kanya dahil baka hindi naman niya ako gusto. 

Totoo nga ba to?? Ang isang ERIK GATCHALIAN natatakot na ma-basted??!!

Amp.

Natatakot rin kasi ako na baka pag sinabi ko, bigla na lang niya akong iwasan. Hindi ko ata kaya yun. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin.

........

Naisip kong lumabas at maglakad-lakad sa resort. Gusto kong makapag-isip isip...

Ang dami ring tao sa resort. Hinanap ko kung nasaan sila Felix pero hindi ko naman sila makita. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

.......

Nakita ko na may maliit na bar din pala yung resort na ito. May nadaanan rin akong restaurant... Kahit papaano, sulit na rin yung bakasyon namin dito dahil maganda naman talaga yung lugar.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

May nakita rin akong parang maliit na cafeteria...

Papasok na sana ako sa loob nang nakita ko sila..

Nanlaki yung mga mata ko.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon