Chapter 1 - The Past.

12.9K 160 14
                                    

ATTENTION:

This chapter has been edited last 3/22/14.

May mga inalis po ako at dinagdag sa story. Pwede niyo ulit basahin.

Salamat! :)

____________________________________

Sabi sa isang quote na nabasa ko:

Most relationships fail not because of the absence of love but because GIRLS LOVE TOO MUCH and BOYS LOVE TOO MANY.

At base sa nangyari sa akin, masasabi ko na isang malaking CHECK!

Ewan ko ba kung nagkataon lang ba o sadyang nature na talaga yun ng mga lalaki.

Grabe, isang taon na rin pala mahigit ang nakakalipas mula nang mangyari yun.

Mahirap pala talagang kalimutan ang isang tao lalo na kung naging parte na ito ng buhay mo...

Yung tipong araw-araw mo siyang kasama, lagi kayong magkausap, yung tipong di na kayo mapaghiwalay.

Mahirap kapag ganun, kasi nasanay ka na na laging siya yung kasama mo.

Yung akala mo kayo na talaga...

Yung akala mo siya na...

Akala mo lang pala.

Masakit. Sobrang masakit sa una but eventually as time goes by, masasanay ka rin pala. 

That's what happened to me. 

Pero matagal na yun. Tulad ng sinabi ko, it's been a year already.

Tapos na yun.

Tapos na kami.

Tanggap ko na.

Nagulat ako nang biglang mag-ring yung phone ko.

Si Mama pala.

"Hello, Ma?"

"Alexa, pagabi na ah? Umuwi ka na." Sabi ni mama.

Napatingin ako sa oras. 6pm na rin pala.

"Opo, pauwi na po ako." Sagot ko.

Nasa park kasi ako malapit sa bahay namin. Naging pampalipas oras ko na yun tuwing weekend at pag wala na akong magawa sa bahay. Bukod kasi sa tahimik ang lugar, malamig pa ang simoy ng hangin, parang ang sarap lang magrelax lalo na pag sobra ka nang stress sa buhay.

Naaliw kasi ako sa panunuod sa mga batang naglalaro kaya di ko na namalayan yung oras. Tumingin ako sa paligid, maliwanag pa naman. Mabuti pa nga umuwi na ako bago ako abutin ng dilim dito.

Naku, e duwag pa naman ako. Haha!

Kinuha ko na yung bike ko sa gilid, kulay pink yun na may basket sa unahan. 

Dumaan muna ako sa isang candy store pauwi. Paalis na sana ako dun nang may biglang tumawag sa akin...

"Alexa?"

Napalingon ako sa likod.

"Cathy?"

"OMG, Ikaw nga!" Sabi niya sabay yakap sa akin. "Kumusta?" Tanong nito.

"Eto, okay naman. Ikaw, kailan ka pa nakabalik?" Tanong ko.

"Kahapon lang." Sagot niya.

Classmate ko si Cathy nung highschool. Nung 4th year kami, nagmigrate sila ng family nila sa Japan. Wala na akong balita sa kanya mula non. 2nd year college na ako ngayon kaya matagal-tagal na rin kaming di nagkita.

"Mas lalo kang gumanda Alexa. Kumusta na kayo ni Carlo?" Sabi nito.

Ngayon ko na lang ulit narinig yung pangalan na yun.

Carlo. My EX-boyfriend. 

Take note. May emphasis talaga sa 'EX'.

"Wala na kami ni Carlo. Matagal na." Sagot ko.

Nagulat siya.

"Aww, I'm so sorry Alexa. Hindi ko alam." Sabi nito.

"Ano ka ba, it's been a year. Naka-move on na ako." Sabi ko.

Hindi na ako nagulat na hindi niya alam. Hindi naman rin kasi ako yung tipo na pag may bagong nangyari sa buhay ko, gagawin ko nang status sa facebook para malaman ng buong mundo.

I mean, mas gusto ko kasing pribado yung buhay ko. Kung ano man yung mga bagay-bagay sa akin na lang yun. Artista lang ang peg! Choz! Haha!

Akala kasi nang lahat magtatagal kami ni Carlo. Well, akala ko rin. Kami kasi yung "sweethearts" ng klase namin dati.

He's my first boyfriend. 3rd year highschool kami nang sinagot ko siya. Halos 2 years din ang tinagal namin until nalaman ko na niloloko niya lang pala ako.

Dalawa pala kaming girlfriend niya. Yup, pinagsabay niya kami. He's not just a freaking jerk. He's also a two timer! Wala akong idea na niloloko niya lang ako not until nahuli ko silang dalawa sa isang restaurant.

Okay lang sana kung nagsawa na siya sa akin or kailangan niya ng space pero yung dalawa kami?! Yun yung mahirap tanggapin kasi ibig sabihin lang nun, all this time, niloloko niya lang ako.

Hindi ko akalain na our relationship was just a lie. I can't believe that I wasted my two years loving him. Nagpakatanga lang pala ako, it was never real.

Naalala ko, sinampal ko siya ng malakas noon, di na ako nakapagsalita at umalis na lang ako habang tumutulo ang mga luha ko.

At ang masakit pa dun? Hindi man lang niya ako hinabol.

Nag sorry naman siya sa akin dahil sa ginawa niya. Ako daw talaga ang mahal niya at humingi pa ng second chance ang loko, pero ako na rin ang nakipaghiwalay.

Ang totoo niyan, naging masakit para sa akin yun dahil hindi naman biro ang dalawang taon na pinagsamahan namin tapos ganun lang ang nangyari. Nasaktan at naapektuhan ako ng sobra...as in sobra! Hindi ko pa rin lubos maisip na nagawa niya akong lokohin.

I HATE HIM!

Lahat na nga ata ng galit sa mundo naipon ko at naibato ko sa kanya.

Buti na lang at nandiyan ang pamilya at mga kaibigan ko para suportahan ako.

Hindi ko rin inaasahan na mabilis akong makaka move-on. Siguro, nakatulong na rin yung di na kami nagkikitang dalawa dahil nga mag-kaiba yung school na pinasukan namin sa college. 

Naka move-on na ako pero di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya.

Pero aaminin ko na na-trauma talaga ako.

Grabe talaga, wala na nga atang matinong lalaki sa mundo!

Feeling ko tuloy lahat sila manloloko.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Cathy tapos nagpaalam na rin siya. Ako naman, dumiretso na rin ako sa bahay agad.

Hay, tama na nga ang pagt-throwback. Ayoko nang isipin si Carlo. He's just a part of my past now.

_____________ 

 A/N:

Eto nga pala si Alexa, yung nasa multimedia :) ------------------------------------------->

hehehe ^_________^

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon