Chapter 37 - Double Trouble?!

3.8K 57 11
                                    

Alexa's POV

Sino nga kaya yun??

Pero IMPOSIBLE naman kasing siya yun...

Tsaka ang layo rin naman ng Cebu para makapunta siya dito diba?!

Baka nga kamukha lang niya yun...

Tama-tama... hindi siya yun....

.......

Maya-maya pa, bumalik na si Kyla kasama yung manager nila.. Nakatalikod na kasi ako dahil kausap ko sila Rhea....

"Sir, eto na po yung manager namin..." - narinig kong sabi nung Kyla..

Paglingon ko para tignan kung sino...

Nagulat ako. 

Nagulat din siya.

At nagulat din si Erik.

Reaksyon naming tatlo:

Ako - O_____O

Erik - O_____O

Siya - O_____O

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali. Tama pala yung hinala ko nung una. Siya nga yun...

"IAN...?" 

"ALEXA...?"

Sabay namin sinabing dalawa...

"Ikaw ba talaga yan?" - tanong ko sa kanya..

Tumango lang siya at ngumiti...

"Pero, nung huling beses na nagkita tayo nasa Manila ka pa diba? Anong ginagawa mo dito sa Cebu??" - naguguluhang tanong ko..

"Oo, nagkaroon lang kasi ng konting emergency kaya ako napunta dito..It's a long story..." - sagot naman niya.

"Nagkikita kayong dalawa?" - narinig kong tanong ni Erik habang nakatingin sa aming dalawa ni Ian...

Ooops, nakalimutan kong nasa tabi ko lang pala si Erik. Kasi naman, masyado akong nadala sa mga pangyayari.. Tinignan ko si Erik.. Magkalapit na naman yung dalawang kilay niya...Teka, paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya yung pagkikita namin ni Ian dati. Ano yun, sasabihin ko sa kanya na pinabantayan ako dati ni mama kay Ian sa mall.. Amp..

"A - ano kasi... ahh.." 

Hindi ko na natapos yung sagot ko dahil nagsalita na si Ian...

"Ah, nagkasalubong lang kami ni Alexa sa mall noon kaya lang kami nagkita...diba Alexa?" - sabi ni Ian tapos tumingin siya sa akin na parang sinasabi na umoo na lang ako sa kanya...

"Ah.. Oo, nagkasalubong kami sa isang mall nun sa Manila kaya ang alam ko nasa Manila pa siya..." sagot ko naman.

Teka, bakit nga ba kami nagpapaliwanag kay Erik?! Hindi PA naman KAMI ha?! I mean... hindi naman kami?? Tss... Bakit ba niya tinatanong, nagseselos ba siya?

Nakatitig lang si Erik kay Ian.. at ganun din naman si Ian kay Erik..

WAHHHHH..!.

Nakikita ko na yung namumuong spark sa mga mata nila...

Nahalata ata yun nila Felix kaya sumingit na siya sa usapan at siya na rin yung nagsabi kay Ian tungkol dun sa reservations namin. 

"Tumawag na nga dito si Mr. Santos nung isang araw. Sinabi niya na si Mr. Gatchalian nga daw yung kukuha ng reservation nila dahil nagkaroon ng konting problema. Hindi ko naman alam na si Erik pala yun. But anyway, okay na yung reservations niyo. Wala na kayong po-problemahin." - sabi ni Ian tapos ngumiti siya...

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon