Chapter 61 - Another encounter.

2.5K 23 3
                                    

Alexa's POV

Maagang natapos yung klase namin. May meeting kasi yung mga professors kaya ayun, early dismissal. 

Hindi muna kami umuwing magbabarkada. Pumunta muna kami sa cafeteria para tumambay. Doon, sinabi ko na rin sa kanila kung sino nga ba si Erik.

Kinuwento ko sa kanila lahat. Na magkababata kami ni Erik. 

Na magkakilala na pala kami dati pa.

Nagulat nga sila e. 

Sabi ni Bunny, ang tawag daw dun:

"destiny"

"fate"

"soulmate"

Ang sabi ko naman, ang tawag dun:

"malas"

"bad luck"

"coincidence"

Nagtataka sila bakit di raw namin nakilala yung isa't-isa nung una pa lang.

Sinabi ko sa kanila na EJ yung palayaw ni Erik nung mga bata pa kami ata ako naman Xandra. Marahil isa yun sa mga dahilan bakit di namin nakilala yung isa't-isa. Isa pa, 3 years old lang ako nun at siya 4 years old lang. Hello, di naman ako ganun katalino para matandaan siya.

Pero ang alam ko, nung bata ako, may moment na iyak ako nang iyak dahil umalis yung bestfriend ko. Pero yun nga dahil bata pa ako nun, everything's a blurry until now. Ngayon malinaw na. Siya pala yun.

Tignan mo nga naman no?

Yung lalaki na nagpaiyak sa akin nang husto nung bata pa ako ay yung lalaki rin na nagpaluha sa akin nang sobra ngayon.

Ang liit ng mundo.

Hindi ko alam bakit ganito kalupit sa'tin yung tadhana Erik. 

EJ.

Nagkakilala tayo. 

Tapos nagkahiwalay.

Nagkakilala ulit nang hindi namamalayan.

Tapos, nagkahiwalay ulit.

Ewan ko ba?

Ang gulo no?

Hindi ko nga alam kung tatawa na lang ba ako o ano e.

Tinanong rin nila ako kung sasabihin ko daw ba kay Erik na ako yung kababata niya dati.

Sabi ko naman, hindi na.

Isa pa, ni hindi ko nga alam kung natatandaan pa niya ako. O kung kahit minsan lang e naisip niya na may kababata siyang babae dati nung nasa probinsiya pa lang siya. 

Baka mapahiya pa ako pag sinabi ko yun at siya walang reaksyon.

Pangalawa, kahit sabihin ko sa kanya, it won't change the fact na wala na kami. At di na namin kayang ibalik kung ano man yung meron nung mga bata pa kami, at kung ano man yung meron samin dati.

Pangatlo, imposible na rin sigurong mag-krus pa yung mga landas namin. 

Ano man yung nangyari sa mall kahapon, yun na yon at huli na yun.

Sana.

Ilang minuto pa at napagdesisyunan na naming umuwi. May usapan kami ni Ian na susunduin niya ako para ihatid sa bahay.

Maya-maya pa, dumating na siya sakay ng kotse niya. 

Wala akong masabi sa mga ginagawa at pinapakita sa akin ni Ian. Kung may award nga ata para sa best boyfriend of the month, si Ian na yung isa sa mga nominee. 

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon