Chapter 22 - Part Three

3.7K 148 49
                                    

Part Three

.
.

Ang bilis ng panahon, hindi ko na mabilang kung ilang mission ang pinasok ko, ilang tao na ang nasaktan ko at ilang tao na ang nabigyan ko ng hustisya.

Its been 9 years ng pumasok ako sa ahensyang to. Marami akong natutunan, marami akong naranasan. At bawat naging galaw ko naging kasama ko ang pamilya ko dito sa ahensiyang ito.

"Hahahahaha!" Hagalpak ko sa tawa, kinukwento kasi ni Jeron and Mika yung last mission nila na nagpanggap na bading si Jeron, lakas mantrip ni Mika.

Okay na ang lahat. Nabalik namin ang lahat sa normal at mas pinahalagahan ko relasyon ko kay Mika at Jeron. Jeron is still pursuing me, pero alam niya kung hanggang saan lang ang maibibigay ko. Don't get me wrong, wala kaming relasyon bilang magkasintahan pero higit sa magkaibigan ang turing namin sa isa't isa.

Ramdam ko ang importansya ko sa kanya pero hindi sapat yun para ipagpalit ko ang 'pagkakaibigan' namin para sa isang pagmamahal na hindi ko naman sigurado kung totoo nga bang nageexist.

Mawawala lang ako sa focus. Mawawala lang ako sa goal ko na mabigyan ng hustisya ang pamilya ko. Mawawalan lang ng direksyon ang pinaghirapan ko.

Love, it makes a person weak.

Muntik pa nito masira ang friendship ko kay Mika kaya never will I prioritize love over friendship.

"Ahahaha! Infairness! Mas mabenta sa akin si Teng!" Pangaasar ni Mika, tawa lang ako ng tawa ng pinakita ni Mika sa akin yung pictures. Hindi kasi kami magkakasama last mission nila. Ako may sariling target, si Tigs busy sa intelligence department at sila Mika nilagay sa Vice section ng department.

"Psssh, bwiset! Muntik na kaya ako marape!" Inis na sabi ni Jeron.

"Bwahahaha, hindi ba sila natakot sa maskels mo?" Pindot ko sa braso. Tumawa na lang sila habang naiinis si Jeron "Ahhhh, hahahaha. ta-ma na. hahaha" ayon napikon na nga at pinagkikiliti ako. Si Kiefer naman pansin ko panay pacute kay Mika, nakakasuka. Napahinto kami ng biglang may lumabas sa pintuan "ui, Tigs!" Sigaw ko.

Lumingon lang siya sa amin at tumango sabay pumasok uli sa loob ng dorm. Walang nakapagsalita sa amin. We all know na iniiwasan kami ni Tigs. We can't blame him, lagi siyang tahimik pagmagkakasama kami. Ayoko man aminin pero he drifted apart sa grupo. Agad akong tumayo at sinundan siya.

"Huy." Habol ka sa kanya at inakbayan siya, buti na lang mas matangkad ako sa kanya. "San ka nagtatago, tagal na kita hindi nakita! Kakabalik ko nga lang after ilang buwan di mo man lang ako dinalaw, isang dorm lang tayo nakatira!"

"Oi." Walang ganang sagot niya. Oi? Oi lang ang sagot niya.

"O, kamusta sa Intelligence? Masyado ka ng nagiging seryoso! Namiss na kita." Pilit kong pinapagaan ang loob niya. Tahimik lang siya, alam kong may problema. Magsasalita na sana ako ng-

The Only Exception (Ara Galang -Thomas Torres Fanfiction)Where stories live. Discover now