Chapter 13

6.6K 151 35
                                    





Thomas' POV



Naramdaman kong nanigas siya sa yakap ko. No turning back. Sasabog na kasi yung puso ko kung hindi ko pa sasabihin sa kanya, I'll accept naman the consequences of my impulsiveness, pero a part of me is still hoping na may pagasa, may pagasa kami.


"Thomas." Bulong niya.


"No need Vic. Hindi mo kailangan magsalita." Hindi ko kaya. "Give me 1 minute, I just wanna hug you." Naramdaman kong pinatong niya ang baba niya balikat ko and felt her at ease a little bit. "Sorry" nag-hum lang siya, I think okay lang sa kanya.


I was about to let her go ng maramdaman kong nanigas siya at bumulong.


"Takte. Thomas. Wag kang gagalaw." Huh?!


"Ara!!!!"


O_O


Nagulat ako. Ang bilis ng pangyayari.


Nakadapa ako ngayon sa sahig at nasa ilalim ko si Vic, buti nahawakan ko yung ulo niya, gagong Jeron to! Sila ba, magseselos na lang mananakit pa??? Kung makatulak wagas ah.


"Ara. Okay ka lang? Thomas magtago ka sa likod nung table, bilis." Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa ulo ni Vic ng maramdaman kong medyo tinulak niya na ako para tumayo. Di ko man lang na savor yung moment. XD Dali dali naman akong nagtago, ewan ko din kung bakit. XD Saan ba galing tong si Jeron, akala ko may klase ka?! Stalker-much? XD


Kita sa mukha ni Vic ang pagaalala habang inalalayan siya ni Jeron tumayo.



"Doon galing." Turo ni Vic sa direction ng kabilang building.


"I know. Nagreflect yung laser sa araw." Sabi ni Jeron. "Take him home, I'll handle this."


"No!" Sabi ni Vic "Alam nating dalawa na siya ang balak nila." Turo niya sa akin. "It's an ambush, alam mo yun."


Nagbubulungan sila pero hindi ko masyado maintindihan.



"Okay, ikaw na bahala sa kanya. I'll take the fire exit." Naglakad na palayo si Jeron pero agad na tumayo si Vic at pinigilan si Jeron.



O.o



Anak ng, sa akin naninigas siya pag niyayakap ko, kay Jeron akala mo tarsier kung makaakap. Yumakap din Jeron at


O.o


Hinalikan ang noo ni Vic at tumakbo palayo sa amin.


Pigilan niyo ang puso kong nababasag.T___T


Sakit pre. </3


"Tara Thomas." Hatak niya bigla sa akin. "Wag ka aalis sa likod ko. Stay close."


Hindi na ako nakapagsalita pa ng hinatak niya ako at tumakbo sa kabilang direction kung saan pumunta si Jeron.


Sa tantya ko papunta kami dun sa kabilang building na tinuro niya. At dumadaan kami sa gitna ng pagkarami raming tao.



In fairness pagod na ako.


"Okay ka lang?" Bigla siyang tumigil ng nasa tapat na kami ng hagdan.


"Oo." Kung pagod kaya tiisin pero bigla ko naalala, yung makita ko kayo ni Jeron kanina right after ko magconfess, hindi nga ako okay.


The Only Exception (Ara Galang -Thomas Torres Fanfiction)Where stories live. Discover now