Chapter 22 - Part One

4.1K 165 76
                                    

10 years ago

.

Ara's POV

"Mama..." Sige lang ang tulo ng mga luha ko. "Kuya, nasan ka na..." Bulong ko.

"Iha, nasan na ang Kuya mo?" Biglang dating ng nurse sa kwarto namin.

"Po-po?"

"Dadalhin na namin ang Mama sa operating room.."

"Pe-pero wa-wala pa p-po si K-kuya." Takot kong sagot. Sabi kasi nila hindi nila ooperahan si Mama hanggang wala kaming downpayment, alam kong naghanap pa si Kuya ng ipambabayad. Saan naman nila dadalhin si Mama.

"Okay na lahat iha, sabihin mo na lang sa Kuya mo pagdating na dinala na namin ang Mama mo, pumirma na naman siya ng consent form." Tumango na lang ako, kahit hindi ko masyadong naiintindihan ang sinsabi niya, ang mahalaga ay dadalhin na nila si Mama, yun naman ang mahalaga.

"Mama.." Bulong ko. Hawak ko lang ang kamay niya. Hindi naman nila ako inalis sa pagkakahawak ko kay Mama kaya naglakad lang ako kasabay nila papuntang Operating Room. Sinasabayan ko na lang ng dasal ang bawat segundo na lumilipas habang nalalapit na kami sa OR.

"Iha.. Hanggang dito mo na lang pwede samahan ang Mama mo, sasamahan ka na lang ni Nurse Michele pabalik sa room niyo okay?" Sabi ng isang nurse sa akin.

"Ayaw po." Kapit ko kay Mama. At patuloy lang ang pagiyak ko. Hindi ko na alam ang nangyayare sa paligid ko, pero alam kong kinakalas nila ang pagkakahawak ko kay Mama. "Wag po. Mama..."

"Sorry iha, pasensya siya. We'll do our best para makabalik agad ang mama mo ah." Hawak sa akin nung isang nurse.

"Mama.." Bulong ko.

Wala na din naman akong nagawa dahil hinawakan na nila ako, sinamahan na ako ni Nurse Michele sa kwarto ko, sabi niya mga 5 oras o higit pa, makikita ko na din si Mama.

Hindi ako mapakali. Wala pa din si Kuya, wala din akong balita kay Papa. Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko ng maisipan kong pumunta sa chapel ng hospital.

Mahigit isang oras na ako dito, Mas ramdam kong safe ako sa loob ng chapel na ito.

"Victonara.."

Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko, sa takot ko napatakbo pa ako sa harap ng chapel. Magisa lang kaya ako kanina pa dito!

"Wag kang matakot iha, kaibigan ako ng tatay mo.."

Dahan dahan akong lumabas sa isang rebulto na pinagtaguan ko at sinilip ang lalaking nagsasalita.

Kilala ko siya, nakita ko na siyang pumunta sa bahay. At siya din yung sumundo kay Papa ng nakaraang linggo dito sa hospital, sabi sa amin ni Papa another mission daw at makakapagbayad na kami sa ospital. Iang buwan na kasi si Mama dito sa ospital, kaya halos lahat ng ipon ni Papa nasaid na. At sa kinasamaang palad, yung last operation ni Mama, kulang na ang pambayad namin.

"Nasaan ang tatay ko?! Bakit hanggang ngayon hindi pa din siya bumabalik?!" Galit kong sigaw, pinilit kong nilalakihan ang boses ko pero isang matinis na boses lang ang lumabas sa akin.

"Wala na siya Ara.."

Para akong nabingi. Ano bang nangyayare sa buhay ko?! Bakit parang pinagsukluban ako ng langit?

"Ano po?!" Sigaw ko pero panay tulo ng mga luha ko.

"Halika, sumama ka muna sa akin."

"Bakit naman po ako sasama sa inyo! Ni hindi ko nga po kayo kilala!" Tumakbo ako palayo sa kanya at iniwasan siya at tuluyang lumabas sa chapel pabalik sa kwarto namin.

The Only Exception (Ara Galang -Thomas Torres Fanfiction)Where stories live. Discover now