Chapter 6

7.4K 152 20
                                    





Thomas' POV



"Pre, magkaaway ba kayo ni Vic?"



"Huh?" Patay malisya kong tanong kay Avo.



"Oh c'mon. Its been what, three days? Hindi kayo nagpapansinan or di kaya sinusungitan mo siya. Ang awkward kaya pagmagkakasama tayo. Haha too gay, pre." Tawa tawa niyang komento.



"Wow. Observant. -___-"



"Haha, eh kasi usually sabay kayo papasok or darating sa canteen pero ngayon sobrang cold niyo sa isa't isa. Si Vic nga pati kami hindi na din masyadong pinapansin. Ano yan, LQ?" Pangaasar ni Avo.



"Ano ba! Mamaya may makarinig sayo kung ano pang isipin. Hindi kami magkaaway, hindi lang talaga kami close."



"Why? She's super cool kaya!"



"Wala lang, di ko lang feel."



"Eh bakit dati okay naman ang treatment niyo sa isa't isa, nagpapansinan pa kayo."



"Wala lang."



"Vic, later pwede ka ba?" Dumating na sila ni Gab, ewan ko kung saan sila pumunta, akala ko ba bodyguard ko siya, bakit inuuna niya pang lumandi. Tsss



"Sorry Gab hindi eh, next time na lang." Narinig kong sagot ni Vic at tuluyan na silang umupo, napansin ko na nalungkot si Gab, pero si Vic, pokerface lang.



Insensitive talaga.



Ano bang cool sa kanya? Eh ang pangit ng ugali! Tsss, bahala na nga siya.



After ng class namin naghiwahiwalay na din kami kasi walang training, at parang may kanya kanya silang lakad. Absent si Arra kasi may pinuntahan sila ng family niya. i miss her na nga eh.



Dumiretso na ako sa parking, sa lugar kung saan mga VIPs lang ang pwedeng magpark, dun kami nagpapark ni Vic para walang makakita sa amin, may access naman kasi ako beacause of my Dad.



Pagdating ko doon, nakasandal na si Vic sa sasakyan at busy magkalikot ng cellphone niya. May super powers ba to, at ang bilis nakapunta dito. Naramdaman niyang may tao kaya umayos na siya ng tayo at pinagbuksan ako ng pinto.



Hindi ko na lang siya pinansin, agad din naman siyang pumunta sa driver's seat pagkasara niya ng pinto ko.



Okay. Awkward silence again. Makikinig na lang ako ng music at ipipikit ang mata ko and then pagmulat ko na sa bahay na kami.



Bakit ang tagal ng byahe, kanina ko pa hinihintay na magpullover siya, pero hindi kami humihinto, hindi din naman traffic, sinilip ko kung nasaan na kami.



"Finally, dumilat ka din." Komento niya., sinamaan ko lang siya ng tingin, nagsmirk lang siya sa akin, anong problema niya.



Nasaan na ba kami?



Nagpark na siya when I realised where we are.



"Baba na." Bukas niya sa pinto ko.



"Ayoko! I wanna go home." Sagot ko.



"Tss, bilis na. Bago pa kita hatakin palabas ng sasakyan."



"As if ah, you'll get fired!"



"Sabihin ko lang na its a matter of life and death, hindi nila quequestionin ang decision ko." Nakapamulsa lang siya habang nakasandal sa tabi ng pintuan.



The Only Exception (Ara Galang -Thomas Torres Fanfiction)Where stories live. Discover now