Chapter 20

4.8K 186 60
                                    

Thomas' POV


"Vic, sasama ba tayo sa pagsundo kay Kuya bukas?" Busy siya magdrive, papasok na kaming ng school. Bukas na ang balik ni Kuya at hanggang ngayon wala pa akong idea sa plano for tomorrow.


"Gusto mo ba?" Nakasmile niyang tanong sa akin.


"Hmmm. Ikaw ba?"


"Ano namang paki mo sa opinyon ko, haha. Kung gusto mo eh di go. Kung ayaw mo eh di no."


"Okay, let's come na lang with the convoy?"


"Okay."


This past few days, alam kong may gumugulo sa isip ni Vic. I don't know kung ano. Hindi naman siya naging cold sa akin, as a matter of fact, mas naging okay ang relasyon namin sa isa't isa pero alam kong may bumabagabag sa kanya.


"So.. Ayos ka lang ba?" Tanong ko! Napahawak naman ako sa mukha niya para hawiin yung buhok niya, nilagay ko iyon sa likod ng tenga niya. Para kasing nakakalag sa mukha niya. Napatingin naman siya sa akin. "Uy." Hawak ko sa manebela medyo napakanan kasi kami bigla.

"Huh? Ay, ay sorry." See, usually she's okay. She's so focused on what she's doing, kahit anong distraction. Agad naman siyang tumingin sa daan.


"May problema ka ba?" Haplos ko sa pisngi niya, medyo nanigas siya sa action ko, kaya agad ko din binawi ang kamay ko. Worried lang talaga ako, pero dapat careful ako sa galaw ko when it comes to her, especially now na may malalim siyang iniisip.


"Wala, Thomas." Nakasmile naman siya pero hindi umabot sa mata niya.


"Pwede mo naman sa akin ishare kung may bumagabag sayo."


"I'm okay Thomas, thanks." Hindi na ako nagsalita pa dahil ayokong i-push pa siya over the edge.

_____


"Vic!" Lunch time na, hindi siya pumasok sa subject namin before lunch, sabi niya may kailangan daw kasi siyang kausapin, I think tungkol sa trabaho niya. Sabi niya magkita na lang daw kami ng lunch time sa may mga benches sa may covered court, kaya doon ako agad dumiretso, buti maaga kami pinalabas ng Prof namin. "Vic.. Uhm, Hi Mika." Nakaakbay siya kay Vic, nagsmile naman siya sa akin. "Hey Vic, are you crying?" Agad akong lumapit sa kanya.


"O Th-omas, kanina k-ka p-pa?" Nagpupunas siya ng luha niya. "Hi-hindi. Nap-puwing lang ako."


"Pfffttt. Aray." Bulong ni Mika, mikha siyang natatawa na nakangiwi dahil nakita ko na inapakan siya ni Vic.


"May problema ka eh." Sabi ko sabay abot ng panyo ko sa kanya.


"Wala nga, Thomas. Salamat meron ako." Medyo mataray niyang sagot, at agad nagpunas ng mukha gamit yung panyo niya. Nakatingin lang sa amin si Mika habang nakangiti, baliw ata tong best friend ni Vic eh.

The Only Exception (Ara Galang -Thomas Torres Fanfiction)Where stories live. Discover now