Wattpad Original
There are 5 more free parts

Kabanata 5

35.2K 1.1K 203
                                    

Kabanata 5


Nang maghapon ay tinawag na kami ng kaniyang lola para makapagmeryenda. Nagluto siya ng banana cue na ikinatuwa ko. Buti na lang at kumakain ako nito kaya hindi ako masyadong mabibisto.

"Kumusta ang buhay sa Maynila, Euphy? Saan ka nga ba nag-aral doon?" tanong sa akin ni lola habang kumakain.

"Sa isang hindi kilalang iskwelahan lang po, 'La. Libre lang ang high school doon at mura pa." I've finished my studies until Senior High in La Salle. Gusto kong sabihin pero tunog pa lang ng pangalan ay mamahalin na!

Malaki ang kapit ng pamilya ko sa La Salle kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang pag-aaral do'n pero hindi ko rin maitatanggi na talagang mahal sa paaralan na 'yon. Iiyak ka ng dugo kung wala kang maibabayad sa isang semester. Maliban na lang siguro kung isa ka sa scholar students.

But the girl who's talking right now was not the unica hija of Villasenor family. I was Aling Minerva's daughter for now...

"E di rito ka na pala magpapatuloy ng kolehiyo?" pang-uusisa niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumango or what. Pero tumango pa rin ako dahil alam kong mas safe na sagot 'yon.

"Pasama ka na rito kay Ledge mag-enroll at next week na 'yon. May exam din naman para sa mga walang pambayad ng tuition fee gaya nitong si Ledge," aniya kaya napatingin ako kay Ledge na ngayon ay tahimik na kumakain.

As much as I can remember, I inserted five thousand Pesos inside her bag. Dapat ay ibinayad nila 'yon para sa kaniyang tuition fee. Napaisip tuloy akong bigla kung magkano ang tuition fee sa pinapasukan niyang paaralan. Mahal ba talaga roon o kaya naman siguro?

"Saan ka ba nag-aaral, Ledge?" tanong ko kaya tiningnan niya ako.

"Sa Cagayan State University. Scholar ako roon, third year college na sa pasukan. Engineering ang kinuha ko." Napatango-tango na lang ako.

He's a bit older, huh? Well, I didn't really mind. I didn't like guys naman na kaedaran ko lang because they're still immature and mahilig maglaro. Most of them ay parang hindi pa alam ang tatahakin sa kanilang buhay kaya mahilig talaga ako sa mga mas may edad sa akin.

"Oh, tanungin ko pa si Mama kung dito na ba talaga ako." No, dad would be furious if he found out. He wanted me to pursue Business in La Salle and I was planning to take Medtech to piss him off.

"Papayag naman 'yon si Minerva dahil halos siya na rin naman ang namamahala ng lupain ng Samaniego. Wala kasi yatang balak pamahalaan ng anak niya," ani lola na nakapagpataas ng kilay ko.

I have plans for this farm. Ako rin ang hahawak nito kaya kahit ayoko sa business ay kukuha ako ng Agri. Business para dito or whatever's available sa school na 'yon. This was the only thing na iniwan sa akin ni mama. Might as well treasure this wholeheartedly.

Natigil ang usapan namin nang dumating si Aling Minerva na may ngiti sa kaniyang mga labi. Nakatingin siya sa akin at bago pa man din siya magsalita ay inunahan ko na siya.

"Uwi na po ba tayo, Ma?" nakangiting tanong ko and I needed Aling Minerva's cooperation. We were here in front of my soon-to-be family and I didn't want to lose him.

"Ha—Oo! Uwi na tayo!" Hindi pa siya sigurado sa kaniyang sinabi. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit kaagad kay Aling Minerva. "Pasensya na kayo sa abala nitong a-anak ko. Makulit, e."

Hindi matingnan ni Aling Minerva ang mag-lola sa aming harapan. Ako naman ay parang wala lang dahil hindi naman ako nabisto at isa pa, wala naman akong ginawang masama. I just used her daughter's identity!

"Mauna na ho kami," paalam ko sa kanila. Tumayo si Ledge para puntahan ako at balak pa yata akong ihatid papalabas ng kanilang bahay.

"Bisita ka ulit, ha?" he jokingly said. A small smile escaped on my lips. I nodded and left.

Nang makalayo kami ay halos hindi ko na alam ang dapat kong sabihin kay Aling Minerva. Guilty ako dahil ginamit ko pa talaga ang kaniyang anak para sa kagustuhan ko!

"Aling Minerva, sorry po," agaran kong sinabi. Hindi niya ako sinagot pero tiningnan niya ako. Galit kaya siya sa akin?

"Euphy, may sumpaan si Legend at si Samantha," sagot niya sa mababang tono. So her daughter's name was Samantha. Ang layo naman nito sa pangalan ko. Damn it! What was her reason why she didn't tell her name to Ledge? Masyado bang pribado o pabebe?

"Elementarya nang umalis dito ang anak ko para manirahan sa Maynila kasama ang anak kong isa. Si Legend naman no'n ay nasa ikawalong baitang na," kwento niya kahit hindi ko naman hinihinging sabihin niya.

"Matalik silang magkaibigan kaya nakita ko ang pananabik ni Ledge sa 'yo nang sabihin mong ikaw ang anak ko." Huminto siya sa paglakad at mariin akong tiningnan. "Maling lokohin si Legend, Euphy. Napakabait na bata n'on at hindi 'yan nararapat sa kaniya."

Iyon ang huling sinabi ni Aling Minerva bago tuluyang umalis. Naugat ako sa kinatatayuan ko at tinanaw ko na lamang ang imahe niyang unti-unting naglalaho.

Nang makarating kami sa mansion ay nanatili ako sa aking kwarto. Tinawag ko ang isang katulong para utusan na bilhan ako ng isang charger sa bayan. Sana lang ay meron ditong nagbebenta ng charger para sa iPhone X.

Tulala lamang ako habang iniisip ang mga nagawa ko. Paano ko nagawang magsinungaling kay Legend? Dahil sa kagustuhan kong ito ay makakasakit pa tuloy ako ng tao pero nasimulan ko na. Itutuloy ko na lang muna at aamin sa tamang panahon.

Dumating ang katulong na inutusan ko na may dalang charger. Kaagad kong chinarge ang phone ko para matawagan si Ross.

Bumungad kaagad sa akin ang sandamakmak na mensahe niya.

Ross:

Kamusta ka riyan? Ayos ba ang trato nila?

Ross:

I told your dad that you were out of the country. He got mad, Euphy.

Ross:

Kailan ang balik mo? Galit na galit na ang tatay mo.

Ross:

Reply ka, Euphy. Alam na ng papa mo na hindi kayo matutuloy ni Sebastian sa gusto nilang mangyari. Sinabi ni Sebastian na kasalanan mo ang lahat kaya hindi kayo pwede.

Halos manginig ako sa inis sa huling mensahe. Sebastian told them that it was my fault? That's his idea! My original plan was to gain their trust and to take everything slow para mas magmukhang natural! So that we won't be telling them that we planned everything out instead. We'll tell them na hindi lang kami nag-click! What the hell? Everything's on me now?

Me:

I'll book a flight right now. Uuwi na ako para masapak ang gagong 'yan!

Ross:

Hurry up. Susunduin kita sa airport.

Nagbihis kaagad ako ng isang jeans at black na t-shirt. Nag-denim jacket din ako bago lumabas ng kwarto. Naagaw ko ang atensyon ng iilang kasambahay at hindi ko na lamang sila pinansin.

"Pakisabi kay Aling Minerva na babalik akong Maynila," huli kong sabi bago tuluyang umalis.

Finally Home (Ellington Series #1)Where stories live. Discover now