Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Kabanata 1

53.5K 1.5K 398
                                    

Kabanata 1

"Ross," tawag ko habang nakatayo siya ngayon sa gilid ko. "Do you know anything about provinces here in the Philippines?"

Kuryoso ang kaniyang mga mata nang tapunan niya ako ng tingin. Nakatulala lamang ako habang nakaupo at pinagmamasdan ang swimming pool namin na nililinis ng ilang kasambahay. Alam ko na hindi ang dahilan kung bakit bigla akong naging interesado sa mga probinsya.

Blame that gorgeous man!

"Bakit mo naman naitanong?" tanong niya sa tanong ko sa kaniya.

Bakit kaya may mga taong kapag tinanong mo ay sasagutin ka rin ng panibagong tanong? Why would they do that? Can't they just answer your question first bago magbato ng isang tanong para ikaw naman ang sumagot? Because it would be better if it was like that.

"Hindi pa ako nakakarating sa kahit anong probinsya rito, Ross," nakangisi kong sabi.

Marami na akong napuntahan na lugar sa ibang bansa pero ang mga magagandang tanawin at bakasyunan dito sa Pinas ay kailanman 'di ko nagawang puntahan. I was just not really interested with sakahan and pala-isdaan. Not until today, because I finally found a reason for me to explore the beauty of our own country.

"We can ask your father to let you visit the hacienda," aniya na nakapagpaisip sa akin.

I slowly shook my head.

"Ilang buwan na lang at magsisimula na ako sa kolehiyo, Ross. Baka kapag nakarating ako roon ay mahirapan na akong makauwi." Napanguso na lang ako.

"Bakit?" Tinaasan niya pa ako ng kilay bago umupo sa harapan ko. "Hindi ka na ba uuwi?"

Natawa ako sa sinabi niya. If I would be given a chance to leave this family, I will gladly embrace the offer with open arms. Kung hindi lang talaga dahil sa mga alaala ni mama ay baka matagal na akong umalis dito.

"Baka roon na ako manirahan kung sakali, tapos mamahala na lang sa farm na naiwan ni Mama sa hacienda at ako na ang magpapalago sa mga iyon!" masayang sabi ko kahit na alam kong imposible naman. Kahit na gustong-gusto kong pumunta ay hindi rin naman pwede. Papa won't allow me to leave this place without his orders.

Nginitian ko na lang si Ross nang hindi niya na ako sinagot. Nagpaalam siya na aalis muna siya dahil may inutos sa kaniya si papa kaya hinayaan ko na lang. Medyo high blood pa naman si papa at mainitin ang ulo, baka pag-initan itong si Ross.

Naisip ko tuloy 'yong lalaking nakita ko noong isang araw. Taga-saan kaya sila? What were they doing here in Manila at bakit umalis din sila kaagad? Nakatulong kaya ang binigay kong pera sa kanila? I hope it's enough for them.

Ang dami ko pang tanong sa aking isipan na hindi ko naman magawang sagutin dahil hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng sagot para sa mga 'yon. We people were always questioning things due to our curiosities and that's normal. Just because you have so many questions running inside your head didn't mean you're stupid or you failed to understand things around you. It only meant that we're looking for more concrete and legitimate explanations to broaden our imagination.

Dumaan sa harapan ko si Amy habang hawak ang kaniyang camera. She's busy with her daily vlogs at ang hapdi niya sa mata. Ano bang nakukuha nito sa kakaganiyan niya? Kung isa ako sa makakakita ng kaniyang video ay baka mapindot ko ang report button.

"Hi, guys! Welcome back to my channel!" nakangiti sabi niya sabay pose sa harap ng camera. "Nililinis ngayon ang pool namin kaya I can't go there to swim. Ang sad nga kasi hindi pa sila tapos but Daddy told me na we are going sa Maldives next week!"

Oh? Pupunta silang Maldives? Hindi ko maiwasang matuwa sa sinabi niya. Aalis sila sa bahay at maiiwan akong mag-isa rito. Mas masaya 'yon kasi mawawala ang mga peste sa paningin ko!

Finally Home (Ellington Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon