Wattpad Original
There are 2 more free parts

Kabanata 8

30.5K 1K 130
                                    

Kabanata 8

Bawat daing habang nililinis ang aking sugat ay nagpapaalala sa akin ng kasamaan ng aking ama. Namumuhi ako pero wala akong planong gumanti dahil tatay ko pa rin siya at hindi maalis na mahal ko talaga siya.

"Ouch!" reklamo ko dahil nakaramdam ako ng kaunting kirot sa sugat ko. Mukhang malalim iyon at baka mabendahan pa ako nang wala sa oras.

"Malala ba?" tanong ko sa nurse na naglilinis ng sugat ko. Tumango lamang siya at para bang kinakabahan din.

Sabi niya sa akin ay tatahiin daw ang ilang hiwa dahil masyado itong malalim at malaki. Napangiwi tuloy ako sa sinabi niya. Paano ako babalik ng Isabela nang ganito ang aking kalagayan? Baka kailanganin ko pang magpalipas ng ilang araw dito hanggang sa tuluyang gumaling.

Tinurukan nila ako ng pampatulog para hindi ko raw maramdaman at makita ang operasyon. Pumayag na lang ako dahil pagod din naman ako sa mga nangyari.

Sana pagmulat ng aking mga mata ay payapa at masiglang umaga ang sasalubong sa akin. Ayoko nang balikan ang mga nangyari dahil wala naman akong mapapala kung tatanawin ko pa ulit.

Bago pa ako makatulog ay kinausap ko muna ang nurse kung maaari ko bang mahiram ang phone ko. Pumayag naman siya at hinayaan ako pero bilisan ko lang daw dahil kailangan na ako sa operasyon kasi siyempre, ako ang ooperahan!

I dialed Sebastian's number. I needed to know his reasons dahil nakapa-bullshit naman kung mukha akong tangang nasaktan nang dahil sa dahilan niyang hindi ko naman alam. Nilaglag pa ako ng bobong 'yon.

Matapos ng ilang ring ay sinagot din niya. Hindi ko na siya hinintay makapagsalita dahil inunahan ko na.

"Hoy, bobo! Anong sinabi mo sa tatay ko?!" naiiritang sabi ko at ang nurse sa aking harapan ay nagulat din.

Rinig ko ang ingay sa background ni Sebastian at para bang nasa bar siya. Nakuha niya pang magsaya habang ako rito ay miserable!

"Euphemia, I did that for us!" giit niya sabay hagikgik sa kabilang linya.

"For us?" Napatawa ako ng sarkasmo. "For us pero nasaktan ako? Gago ka! Dami mong drama!"

Tinawanan niya lang ako na para bang normal lang ang lahat ng mga nangyari. Lalo lang akong dinalaw ng inis dahil sa ginawa niya.

"Saang bar ka?" tanong ko.

"Upscale. Punta ka?" Nang makuha ang sagot ay binabaan ko kaagad.

Nagtipa ako ng mensahe kay Ross na magpadala ng pulis sa bar kung nasaan si Sebastian. I wanted them to freaking raid the fucking bar! Kailangan mahuli ang mga punyetang tropa niya pati siya para matahimik ako! Talagang uubusin ko ang pera ko para lang makaganti sa mga taong naging traydor sa akin.

Ross:

That's dangerous!

Me:

I am dangerous too. Wala akong pakialam, Ross. Gawin mo ang gusto ko!

Hindi na siya muling sumagot kaya naman hinagis ko sa basurahan ang phone ko. Tiningnan ito ng nurse kaya naman pinulot niya iyon na biglang nakapagpakunot ng noo ko.

"Bakit mo kinuha?" nagtataka kong tanong nang akmang iaabot niya na sa akin. "Iyo na 'yan. Reformat mo na lang and good as new na."

Tinalikuran ko na siya at pinilit na ang sariling makapagpahinga. Malapit lapit na ang pagtira ko sa Cagayan at hindi ko maiwasang hindi masabik. Mas matagal ko nang makakasama si Ledge at mas makikilala ko rin siya!

Sa dami ng iniisip ko ay nilamon na ako ng antok at hinayaan ko na lang ang sarili kong makatulog.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay tapos na raw ang paggamot sa akin. Natahi na nila ang mga sugat na dapat tahiin kaya naman medyo nabawasan na ang aking pangamba.

Finally Home (Ellington Series #1)Where stories live. Discover now