Wattpad Original
There is 1 more free part

Kabanata 9

31.9K 1K 215
                                    

Kabanata 9

I was wearing a black off-shoulder dress that was two inches above the knee and a casadei high heel sandals. I was just waiting for my car dahil ang sabi sa akin ni Ross kanina na ihahatid ito sa akin. I will use it para makarating sa mansion.

Nakahalukipkip ako habang naghihintay at ang braso ko na may mga sugat ay hindi ko pa rin magalaw dahil sa benda nito kaya maingat ang bawat galaw ko. Kaagad din akong nagsisi kung bakit ako nagsuot ng off-shoulder dahil naging malamig bigla ang simoy ng hangin ngunit hindi ko na lamang pinansin.

Nang huminto ang aking sasakyan sa harapan ay kaagad nila akong tinulungan upang mailipat ang mga maleta ko sa compartment ng kotse. Tinanggihan ko na rin ang alok nila na ipagmaneho ako.

I can drive myself kahit pa isang kamay lang ang gamit ko. It's risky pero ayokong maabala pa sila.

Madaling araw na at tanging ilaw na lang mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan. May mga nadaranan din naman akong mga poste na may ilaw ngunit hindi lahat ay meron.

Nang makarating ako sa mansion ay ipinarada ko kaagad ang sasakyan sa gilid at dahan-dahan ang naging pagsara ko sa pinto. Baka may mga natutulog na at maabala ko pa.

Kaagad akong nilapitan ng mga kasambahay nang makapasok ako sa mansion na para bang nagulat sa itsura ko. Marahil nagtataka kung bakit may benda sa aking braso.

"Please get my things inside the car," pakiusap ko sabay abot ng susi sa isang kasambahay. "Pakiayos na lang sa kwarto ko at sa guest room muna ako magpapahinga."

Tinanguan na lamang niya ako at kaagad na ginawa ang gusto ko. Nang makarating ako sa guest room ay tahimik akong umupo sa kama. I wonder if Aling Minerva's already sleeping na? Well, hindi naman na nakapagtataka kung siya nga ay humihilik na sa kaniyang silid. Malalim na rin ang gabi at kailangan ko na ring magpahinga. Nakakapagod ang mga pangyayari sa Maynila at dumagdag pa ang biyahe.

Alas otso na ng umaga nang nagising ako at hindi pala ako nakapagpalit ng damit pantulog at suot ko pa rin ang damit ko kahit ang heels na ginamit ko. Napasapo ako sa aking noo at kasabay noon ang isang katok mula sa aking pinto. It's probably one of the maids.

"Euphy?" Rinig kong boses iyon ni Aling Minerva. "Gising ka na ba?"

"Yes," napapaos kong sagot habang nakahiga pa rin sa kama. Gusto ko ng i-check kung ayos na ba ang kwarto at gamit ko para makapagbihis na ako.

"Bumaba ka na at kumain ng agahan. Maayos na rin ang mga gamit mo sa iyong silid," huling sabi niya at siguro'y umalis na para asikasuhin ang dapat na unahin sa kusina o kung saan.

Inayos ko muna ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. I needed to look normal and presentable kahit pa kagigising ko lang.

Nang lumabas ako ng kwarto ay sumilip ako sa gilid kung saan tanaw ang main door ng mansion. Parang lumabas ang kaluluwa sa aking katawan dahil pumasok sa pinto namin si Ledge. Halos napatakbo ako papasok sa aking silid at malalim ang naging paghinga.

Fuck! Buti na lang at hindi niya ako nakita dahil talagang lagot ako niyan. Sana lang ay hindi magsalita ang mga kasambahay dahil kung mangyari 'yon ay tatanggalan ko sila lahat ng trabaho!

Naligo muna ako bago ginawa ang nakasanayang pag-aayos sa umaga. Nagbihis ako ng isang simpleng white t-shirt at isang faded jeans. Sinuot ko ang paborito kong rubber shoes na kulay itim. Simpleng-simple na hindi mo aakalain na galing pa sa isang mamahaling brand. I put some light powder on my face and some pink tint for my pale lips. My cheeks were naturally rosy so putting a blush on would be useless.

Sinipat ko ang aking MacBook para tingnan kung may mensahe ba si Ross doon. He gave me the details that I was asking last night. Napangisi ako nang binuksan ko iyon.

Finally Home (Ellington Series #1)Where stories live. Discover now