TTL: Line16

143 3 0
                                    

TTL: Line16

Almost three months akong nagstay sa Paris para mag unwind. Kahit papaano naman ay nakalimutan ko ang mga pinoproblema ko. Hindi ko rin sinagot ang kahit isang tawag ng mga friends ko sa Pilipinas dahil kahit pansamantala lang, gusto ko munang makalimot. Noong first 2 weeks ko nga doon sa Paris, sa tuwing titingnan ko ang call logs ko, pinaka maraming missed calls si Alexander. I can feel the urge to answer his damn call pero pinipigilan ko kasi gusto ko muna silang iwan. Pero siguro nung third, fourth week, and so on, wala na ulit akong tawag na nareceive sa kanya.

Nasa school na ako ngayon. Sorry. Late Enrollee. Dapat nga doon na ako mag aaral sa Paris kaso naisip ko, sayang naman 'yung pinagsamahan namin ng high school friends ko kung basta basta ko nalang silang iiwan, diba? Tsaka last year ko na 'to sa pagiging high school kaya dapat lang na sa kanila ko ibigay iyon. Kapag hindi pa naayos lahat ng problema ko dito sa Pilipinas, doon na ako magcocollege sa Paris, or US.

"OMG, girl! Nagbalik ka!"

"Akala namin di mo na tinupad ang promise mo!"

"Bakit ngayon ka lang? 2 weeks ka nang late ha?!"

Natawa nalang ako dahil pagpasok ko sa classroom namin, ang tatlong bestfriend ko ang bumungad sakin.

"Sorry. Dun na talaga ako dapat titira kaso naisip ko na mamimiss niyo ako. Kaya bumalik na ako." pabiro kong sabi.

Nagkwentuhan kaming tatlo about sa nangyari samin this past three months. Sandamakmak na complements din ang natanggap ko mula sa kanila at sa ibang classmates ko. Kesyo lalong gumanda, pumuti, blah blah blah.

"Hi, Krystal! Buti bumalik ka. Miss ka na namin." bati sakin ni Mildred.

Nakita ko sa likod niya si Alexander na nakatingin sakin. Geez. Mas lalo siyang naging hot!

"Uh. Syempre. May kailangan pa akong bawiin eh." I told her while grinning. Ngumiti lang rin siya sakin.

"You're back." simpleng sabi ni Alexander mula sa likod ni Mildred.

"Oh, yes. I'm definitely back. And our bullying to each other is back, too. We're not done yet, Alex." sabi ko sa kanya bago pumunta sa harap.

"Hello, guys, girls and gays!" I called for their attention.

"I would have to announce you that me, Krystal Manrique was back here in this wonderful university. I want to tell you all that the war between me and Alexander Velasquez has not done yet." sabi ko.

Nagpalakpakan naman silang lahat at parang masayang masaya dahil bumalik na ang inaabangan nila araw araw na pambubully namin ni Alex sa isa't isa. May sumisigaw pa nga na namiss daw nila ng sobra 'yon. Haha. Nakita ko naman si Alexander na nakatingin sakin at nakasmirk habang si Mildred naman ay hindi maipinta ang mukha.

**

Nagsimula na ang klase at inutusan na ako ng new teacher na iintroduce ang sarili ko sa harap ng mga classmates ko kahit na kilala na nila ako.

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon