TTL: Line6

136 6 0
                                    

TTL: Line6

"Bakit ka pumayag?!" tanong kaagad sakin ni Alexander pagkatapos ng 3 hrs. detention namin.

Papunta na kami ngayon sa parking lot dahil tapos na rin naman ang klase.

"Bakit? Masama ba? Crush ko naman si Anthony eh!"

"Kahit na! Shit naman. Bahala ka nga sa buhay mo! Sisiguraduhin kong hindi ka mag eenjoy sa date niyo." sabi niya tapos nauna na siyang pumunta sa parking lot.

Kahit kailan talaga, epal 'yung abnormal na 'yon. Super KJ! Ano bang masama kung magdate kami ng crush ko? Heaven nga ang feeling nun eh. Tss. May 2 days pa ako para maghanda. Ahihi. Date? With my ultimate crush? Omg langs. Dream come true 'to!

**

At sabado na nga! Omg! Mamayang 3PM, susunduin na ako ni Anthony. Nag aayos ako dito sa kwarto ko. Nag aapply ako ng make up pero light lang nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Alexander na pumasok bago isinarang muli ang pinto. Humiga siya sa bed ko. Napaka FC talaga nito. Feeling niya friends kami. Psh.

"Kailangan ka pa ba talagang mag make up sa date niyo eh alam mo naman na hindi ka mag eenjoy?" sabi niya sakin.

"Psh. Wala kang pakialam. Date namin 'to ng crush ko kaya mag eenjoy ako." sabi ko tapos binelatan ko siya.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa salamin para tapusin na ang pag aapply ko ng make up. Nakita ko naman sa reflection ng salamin na tumayo siya at lumapit sakin. Kinuha ko ang lipgloss ko at nilagyan ko ang labi ko nito. Nagpout pa ako sa salamin. Hihi. Ang cute ko talaga.

"Patingin." sabi niya.

Lumingon ako sa kanya at nginuso ang labi ko para makita niya 'yung lip gloss. Manipis lang kasi. Parang puro glitters lang.

"Sige. Makipag date ka sa kanya. Pero kukuhanin ko muna ang dapat na sakin lang."

Pagkasabi niya niyan, hinawakan niya ang mukha ko, pumikit at nilapit sakin ang mukha niya. Ilang segundo lang ay naramdaman ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko man lang siya nagawang itulak dahil nagulat ako sa sinabi at ginawa niya. Naramdaman ko na gumalaw ang labi niya kaya napapikit nalang rin ako. Dahil siguro nag eenjoy ako.

WTF?!

Tinulak ko kaagad si si Alexander palayo sakin. Napatingin siya sakin na parang nagtataka. Pero ngumisi naman siya sakin.

"Thank you for kissing me back. I'll promise you won't enjoy your date because I will occupy your mind from now on."

Pagkasabi niya niyan, iniwan na niya ako. Lumabas na siya ng kwarto ko habang ako, naiwan na tulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Napatingin ako sa salamin ng wala sa sarili habang hawak ang labi ko. Wala sa sarili rin na nilagyan ko ulit ng lip gloss ang labi ko.

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon