TTL: Line13

129 2 0
                                    

TTL: Line13

 

Nandito ako sa coffee shop. Hinihintay si Mildred. Weekend ngayon. Malapit ng matapos ang pagiging Junior High namin. Last week pa natapos ang JS Prom namin pero di ko nalang ikkwento dahil hindi naman importante 'yun. Ito ang mahalaga. Ang pag uusapan namin ni Mildred. Almost 2 weeks na ang nakakaraan simula ng malaman kong sila na pala at simula noon, tinamad akong pumasok ng school.

Nakita ko na si Mildred na pumasok sa coffee shop. Kumaway siya ng makita ako. Naglakad siya palapit sakin at umupo sa harap ko.

"Hi." bati niya sakin.

"H-Hi."

"Anong pag uusapan natin?" tanong niya sakin bago tinawag ang waiter at umorder ng coffee naming dalawa.

Hindi ko alam kung paano uumpisahan 'to kaya tinagalan ko pa kanina ang pagtingin sa menu ng mga coffee nila. Pero ng nakahanap na ako ng tiyempo, sinabi ko na rin kaagad.

"Uh. A-About 'to sa inyo Alexander. Uhm..." panimula ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Ang laki talaga ng iginanda niya.

"Ah. Ang sweet talaga ni Alexander. Nung boyfriend ko. Everytime he kissed me, I can feel how much he loves me. As tuwing pupunta siya sa bahay at yayayain akong magdate, dadalhin niya ako sa pinaka romantic na lugar tapos kakain kami ng masarap na pagkain. Last date nga namin, nung isang gabi. Siguro 10-11PM 'yun. Sinundo niya ako sa bahay tapos dinala niya ako sa beach. Eh ang dami pang stars nun. Nakita ko nalang din na may nakalatag na picnic mat sa sahig. Sobrang romantic talaga ng taong 'yun. Kaya mahal na mahal ko siya eh. At alam kong mahal na mahal niya rin ako." mahabang litanya niya.

Habang nagkkwento siya, nakangiti siya na para bang masaya pero makikita mo naman na parang may kulang kapag tiningnan mo ang mga mata niya. Feeling ko malungkot at nasasaktan siya. Pero hindi naman siguro. Dapat nga sobrang saya niya dahil nagawa nilang dalawa ni Alexander 'yung dream date ko eh. Naiinggit ako sa kanya. Para tuloy gusto kong maiyak dahil sa mga sinabi niya. Buti nalang napigilan ko dahil dumating na ang order namin na coffee. Ice cold coffee ang inorder naming pareho dahil mainit ang panahon.

"Talaga? Ang sweet nga." simpleng sabi ko.

"Oo. Sinabi mo pa. Teka. Bakit nga pala kayo nagbreak ni Anthony? Diba crush na crush mo siya dati?" tanong niya sabay sip sa coffee niya. Ngumiti lang ako ng maliit sa kanya.

"Wala. May mga bagay kasi na ngayon ko lang narealize pero dapat matagal na. Narealize ko lang kasi na may iba pala akong mahal. At hindi ko na pala siya gusto." sabi ko habang nakatingin sa coffee ko.

"Ganun? Kawawa naman pala si Anthony. Tsk. Tsk. Tsk. Sino naman 'yung lalaking mahal mo pala pero ngayon mo lang narealize? Siguro kung boyfriend ko 'yung mahal mo, baka magpatayan tayo dito. Haha. Joke!" sabi niya.

Napayuko ako lalo. Naiinggit ako sa kanya. Buti pa siya, malakas ang loob sabihin lahat ng gusto niya samantala dati, tatahi-tahimik lang siya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Wala. Uh. Next time nalang pala tayo mag usap. Medyo masama pa pakiramdam ko eh." sabi ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Wait!" sabi niya. Tumingin siya sa mga mata ko. "Alam mo kung gaano ko kagusto at kamahal si Alexander, diba? Kaya ipaglalaban ko siya. Ikaw rin. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Kahit na kaibigan o kakilala mo pa ang kakalabanin mo para lang sa kanya. Para lang sa taong mahal mo. Pero you know what, hindi ko siguro kakayanin kapag nawala sakin si Alex. Magpapakamatay nalang siguro ako kesa mangyari 'yun."

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano ko ipaglalaban si Alexander sa kanya kung ngayon palang kinokonsensya na niya ako, diba? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya pumunta nalang ako sa lugar kung saan nandoon ang taong kailangang kailangan kong kausapin.

Sa bahay nila Alexander.

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now