TTL: Line14

131 3 0
                                    

TTL: Line14

 

"Napadalaw?" tanong sakin ni Alexander na nakahubad habang nakaharap sa monitor ng computer pagkapasok ko sa kwarto niya.

"Uh. Kamusta?" tanong ko tapos umupo sa higaan niya.

"Okay lang." simpleng sabi niya.

Oh? Talaga? Buti ka pa. Gusto kong sabihin sa kanya. Pero syempre, hindi ko naman magagawa 'yun.

"Uh, pwede ba tayong mag usap?" tanong ko pa.

"Nag uusap na tayo."

Nakakabwisit naman 'to. Makaalis na nga lang.

"Sige. Next time nalang." sabi ko.

Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya. Binuksan ko na ang pinto kaso nagulat ako ng biglang sumara ito.

"Ang bilis mo namang sumuko." sabi niya.

"A-Ano, n-next time nalang tayo mag usap."

"Hindi. Mag uusap tayo dahil 'yun naman talaga ang ipinunta mo dito, diba?"

Tumango nalang ako sa kanya.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong niya. Yumuko ako. Ang awkward kasing makipag usap sa mga taong nakahubad.

"Uh..."

Hindi ko na maituloy ang sinasabi ko kasi lalo siyang lumalapit sakin. Napaka awkward.

"Ano?"

"Y-Yung tungkol sa, uhm... T-Thin line na s-sinasabi mo..." nakaiwas tingin kong sabi.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko para magtama ang paningin namin.

"Ano 'yun? Alam mo na ba ang lahat tungkol dun?" tanong niya. Tumango ako. Narinig ko naman na tumawa siya.

"Kapag talagang huli na ang lahat tsaka mo palang marerealize at malalaman lahat ng mga bagay na dapat noon mo pa nalaman. So ano?"

Nakatingin siya sa mga mata ko at ganoon rin ako. Nakahawak parin siya sa baba ko.

"I already crossed the thin line, Alexander. Matagal na." diretso kong sabi.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko dahil bahagyang nanlaki ang mata niya after kong sabihin 'yun.

"I know you're no longer waiting for me on the side of love. But please, give me another chance to correct all my mistakes."

Ngumisi naman siya sa sinabi ko. Maya maya lang, lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako at maya maya lang, naglapat na ang mga labi namin. Sa paggalaw ng labi niya ay ginagalaw ko rin ang labi ko. I don't know how to kiss. Pero sinasabayan ko lang siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at bahagya niya akong iniangat. Humawak naman ako sa batok niya dahil pakiramdam ko, nanlalambot ang tuhod ko. Pakiramdam ko napahiya ako sa harap ng maraming tao ng paghiwalayin niya ang mga labi namin.

"Sorry, Krystal. But I already told you that I'm no longer waiting for you on the side of love. I told you once that if you ever cross the thin line and you don't see me waiting there, find me. And if you find me walking away from you, please. Chase me."

Matapos niyang sabihin 'yan, binuksan niya ang pinto ng kwarto niya na parang pinapaalis na ako. Tumingin ulit ako sa kanya at hindi ko maiwasang maiyak ulit dahil doon.

Find him?

Chase him?

Paano ko gagawin 'yun kung siya mismo hindi ako binibigyan ng pagkakataon na gawin 'yun?

**

"Mommy..." tawag ko kay mommy.

Nag international call pa ako para matawagan lang siya. Nasa Paris kasi siya ngayon ulit para samahan si Daddy sa bagong perfumes na irerelease doon.

"Yes, baby? Are you crying?" tanong sakin ni mommy sa kabilang linya.

"Mommy, I don't want here. I want to go to Paris to. I want to see you and Dad. I miss you a lot." sabi ko habang umiiyak.

"Oh, baby. I'm so sorry for being busy in our business trip. But, what's your reason of leaving the Philippines? I thought you love Philippines?"

"Yes. I do. I love this country so much. But I need a break. I'm hurting now, mom. I want to talk to you. I want your advices. I want to hug you. Please. Let me go there. Let me go to Paris. I can do it by myself, mom. Please. Let me. I don't want here in the Philippines now. I'm hurting mom. A lot." sabi ko at humagulgol ng iyak.

"Okay baby. I'll wait for you here. But please, be safe on your trip, okay? I trust you."

"Yes, Mommy. Thank you." sabi ko nalang.

May pinag usapan pa kaming kaunti bago namin napagpasyahang putulin na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko ng bumalik dito sa Pilipinas kasi sobrang sakit na ng mga nararamdaman ko dahil kay Alexander. Pero syempre. Hindi konaman pwedeng pagtaguan lahat ng taong nakakasakit sakin.

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now