TTL: Line9

116 4 0
                                    

TTL: Line9

:

"Hindi nga ako 'yun! I promise!" sabi ni Alexander.

"Pwede ba?! Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Alis sabi eh!" sigaw ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Bastos rin 'tong isa na 'to eh. Basta basta nalang pumapasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

"Yan ba ang pinagduduldulan sayo ni Anthony? Na ako ang naglagay ng palaka na 'yon sa locker mo?!"

"Hindi! Wala siyang sinasabi sakin. Pero alam ko naman na ikaw lang ang may kayang gumawa non sakin. Alam ko na ikaw lang ang maglalagay non sa locker ko! Sino gusto mong sisihin ko, si Mildred?!"

"Eh bakit ko gagawin sayo 'yon? Alam ko naman kung gaano ka katakot sa palaka eh! At kung gagawin ko 'yon, sana matagal ko ng ginawa. Hindi ngayon." paliwanag niya ulit.

"Yun na nga eh! Alam mong takot ako sa palaka pero ginawa mo parin 'yon! Alam ko na binubully natin ang isa't isa pero bakit kailangang mamersonal? I hate you so much, Alexander! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" sabi ko sa kanya.

Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko. Pero masisisi niyo ba ako kung galit na galit na talaga ako? Alam ko na binubully namin ang isa't isa. Pero hindi naman kailangang umabot don, diba?

"I know how much you hate me. But I won't get tired of waiting you on the other side of thin line. Waiting for you to cross it."

So eto na naman kami sa famous thin line na 'yan? Kelan ko ba maiintindihan 'yung pinagsasabi niya? Sawang sawa na ako eh!

"Hihintayin ko rin na dumating 'yung araw na mapatawad mo ako. Pero sana maniwala kang hindi ako ang gumawa nun."

Pagkasabi niya niyan, tinalikuran na niya ulit ako at lumabas na siya ng kwarto ko. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko upang mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Napatingin ako sa palakang stuff toy na nasa tabi ko. Kinuha ko iyon at inilagay ulit sa kahon na pinaglagyan niya at inilagay ang kahon sa ilalim ng kama ko. Kasalanan niya lahat kung bakit kami ganito ngayon. Bahala siya sa buhay niya. Ayoko nang makipaglaro sa kanya. Madaya siyang maglaro eh. Namemersonal siya.

**

Naglilibot libot kaming dalawa ngayon ni Anthony sa buong school. Tinitingnan namin ang mga booths na ginawa ng iba't ibang year level. Coffee shop, horror house, photo and jail booth at amusement park.

Nasa amusement park kami ngayon na itinayo ng mga Senior High. Ewan ko rin ba dito. Bigla niya akong hinila palabas ng coffee shop namin eh shift ko ngayon. Ako ang isa sa mga cosplayer-looking waiter ng coffee shop namin. Palda kong suot ay pink, tapos blouse na puti at may malaki akong ribbon na pink din. Ribbon siya na parang necktie. Basta. Nakaponytail pa ng dalawa ang buhok ko. Para tuloy akong bata. Huminto sa paglalakad si Anthony at pumunta sa harap ko.

"May itatanong ako sayo." sabi niya.

Ako naman, kinabahan. Ang tagal na niyang nanliligaw sakin eh. Hanggang ngayon hindi ko parin siya sinasagot. Di ko nga rin alam kung bakit pinatatagal ko pa, eh crush ko naman 'tong manliligaw ko.

"Ano 'yun?"

"You see. December 7 when I started to court you. December 7 was the day of our first date. And december 7 was the day you told me that you have a crush on me. December 7 was my happiest day in my life with you. And today, February 7..."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Uh. Anong meron ngayon?" tanong ko.

"Krystal Manrique, can you be my girlfriend?"

Halos sumabog ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Ano ang sasabihin ko? O-oo na ba ako? Pero bakit parang hindi ko kayang sabihin na 'Oo. Sinasagot na kita.' Bakit parang nawala lahat ng saya na naramdaman ko sa tuwing kasama ko siya? Anong nangyari sakin?

"Krystal..." sabi niya ulit.

Tumingin ako sa mga mata niya. Nakita ko ang sinseridad dito. Na totoo siya sa sinasabi niya. Gusto kong sabihin na 'Ayoko. Sorry.' pero simula ng makita ko 'yung mata niyang napaka sincere, parang naawa ako. Parang ayokong ireject siya. Parang ayoko siyang masaktan dahil... Naaawa ako? Ewan ko. Ngumiti ako sa kanya at dahan dahang tumango. Nanlaki ang mata niya.

"Yes?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti ulit ako.

"Yes." sabi ko.

Ngumiti siya ng malawak at niyakap ako ng mahigpit.

"YES!!!" sigaw niya kaya nakuha namin ang atensyon ng mga tao na nandito sa amusement park.

Bakit ganun? Hindi ako masaya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramam ko, pagsisisihan ko 'to ng sobra?

Inihiwalay niya ako sa yakap at hinawakan ang mukha ko. Kitang kita ko sa mga mata at ngiti niya na sobrang saya niya dahil kami na.

"I love you so much, Krystal Manrique."

Pagkasabi niya niyan, hinalikan niya na ako sa labi. Napaatras pa ako ng konti noon pero pinigilan niya ako. Oras na pumikit ako habang magkadikit ang aming mga labi, naalala ko 'yung araw na hinalikan ako ni Alexander. 'Yung araw na hinalikan ko siya pabalik? 'Yun. 'Yun lang ang naiisip ko. Nagpalakpakan ang mga taong nanonood samin kaya napahiwalay ako sa kanya. Nagulat pa ako ng makita na si Anthony pala ang humalik sakin. Ano bang nangyayari sakin? Bakit si Alexander ang naiisip ko habang hinahalikan niya ako? Ngumiti ako kay Anthony at ngumiti rin siya sakin. Niyakap niya ulit ako. At sa pagyakap niya sakin, nakita ko si Alexander na masama ang tingin samin. Parang biglang gusto kong humiwalay sa yakap at pumunta kay Alexander. Pero hindi. Hindi dapat. Kasi kinamumuhian ko siya. Sobra.

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now