CONTINUATION

4.6K 74 0
                                    

CONTINUATION

Kinabig nya ako para mas mapalapit sakanya.

Haay nako.

Ryan, Ryan, Ryan.

Huwag kang chansing pre. May babae ka palang kanina tapos ako naman ngayon. Siniswerte karin ano?

Pero pagbibigyan kita, tutal mabango kanaman. Hahaha

Habang sumasayaw kami tumingin ako sa ibang direksyon. Medyo marami rin sila ditong sumasayaw. Meron naman nanunuod lang sa kani kanilang upuan.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakita kong nakatitig saakin sa dikalayuan habang sumasayaw.

Nakaharap sya sa parte ko kaya kita ko sya mula dito.

Kita ko ang pagngisi nya habang hinahalikan ang leeg ng babaeng kasayaw. Hindi naman sila napapansin ng mga tao dahil sa busy rin sila sa pagsayaw at medyo madilim din kasi ang ilaw.

Grabe, pati din dito dinadala mo rin ang pagkalibog mo.

Pinapakita nya sakin ang nakakairita nyang ngisi na parang sinasabing gusto mo rin nito?

Huh! kapal mo Lync. Kahit san ka talaga pumunta hahanap at hahanap ka talaga ng babaeng maikakama mo.

Hindi ko nalang sya pinansin dahil maiinis lang ako at baka masapak ko tong lalaking kasayaw ko.

Ibinaling ko nalang ang tingin sa stage at napatitig ako sa lalakeng inaaya ang babaeng makipagsayaw.

Nakangiti ang babae habang ang lalake naman ay walang ekspresyon na makikita.

Pumuwesto sila sa harap namin. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanilang dalawa at pinagmamasdan ang bawat galaw.

Inilagay ng lalake ang mga kamay nya sa bewang ng babae habang ang babae naman ay inilagay ang kamay sa batok nito.

Nakaharap sakin ang lalake.

Sumayaw sila ng mabagal at sa pagtingin ng lalake dito ay sya namang nagbigay ng kilabot saakin.

Mas naging seryoso ang mukha nya at kita ko ang pagtiim bagang nya ng bumaling ang tingin nya sa lalaking kasayaw ko.

"King bakit ganyan ka makatingin? Anong problema mo?" sa isip isip ko lang. Di pa nga ako tapos kay Lync tapos meron na namang King na dumagdag.

Sakit kayo sa ulo.

I Can Make You Cry In Pleasure Where stories live. Discover now