CONTINUATION !!!

4.6K 77 0
                                    

CONTINUATION

Pumasok nako sa kwarto ko para maligo at makapag bihis na.

Tinignan ko ang orasan at 11:40 na pala ng tanghali.

Pumara nako ng taxi at tumungo sa bahay ni Maam Amandine. Alam ko narin kasi ang address nila.

Makalipas ng ilang minuto, bumaba ako sa napakalaking bahay---este mansyon.

Dito palang sa gate nila makikita mo kaagad ang karangyaan nila.

Nagdoorbell nako at binuksan ito ng isang kasambahay.

"Hello po Maam. Kayo po ba si Maam Hevendyze?"

"Opo, ako nga po".

"Pasok po kayo Maam"

Iginaya nya ako papasok at bumungad sakin ang napakaganda nilang bahay. Pati nga ata dumi mahihiya dahil sa linis dito eh.

Wow, hindi ko maiwasang mapanganga sa taglay nitong laki at lawak.

Pinaupo nya ako sa napakalambot na sofa at binigyan ng cookies at juice.

"Thank you po."

"Sige po, tatawagin ko lang po si Maam Amandine" at yumuko pa ito.

"Sige po".

Maya maya..

"Oh, hevendyze my dear" lumingon ako at nakita ko sa Maam Amandine na masayang nakangiti saakin.

Tumayo ako at niyakap sya.

"Na miss ko po kayo" sabi ko.

"Uhh, ang sweet naman. Na miss rin kita. Ahh nga pala kumain kana ba?" tanong nya sakin.

"Ahh, opo. Binigyan po ako ng Manang ng juice and cookies." Sagot ko.

"Hindi ka naman mabubusog nyan eh. Halika't kumain tayo. May niluluto ako."

Kahit nahihiya man ay sinabayan ko sya sa paglalakad at tumungo sa kusinang pangmayaman.

Oo, lahat ng nandito ay dapat mong idescribe kasi sobrang ganda naman talaga.

Ang ganda kasi talaga at ang linis linis pa. Bumungad sakin ang amoy ng niluluto nya kaya hindi ko naman tuloy maiwasang magutom at matakam.

"Hmm, ang bango po" natatakam kong sabi.

"Haha, sinasarapan ko talaga ang pagluluto para sayo."

Ang bait talaga nila sakin.

"Hmm, tulungan kona po kayo"

"Sige"

Habang naghihiwa ako ng mga ingredients ay nag-uusap rin kami.

"Nasan po pala si Sir Zeyr?" tanong ko.

"Ah, si Zeyr. May ka meeting pa yon ngayon. Hindi pa yata tapos."

"Ahh"

Natapos kaming magluto at hinanda narin namin ang lamesa.

"Tikman mo to Heven" pag-aalok nito sakin at inilapit pa sakin ang kutsarang may lamang Caldereta.

Tinikman ko naman ito.

"Ang sarap po ng luto nyo." masayang sabi ko.

Kumain lang kami ng kumain ng bigla syang magsalita.

"Hmm, Heven. Punta ka mamaya ha" nabaling naman ang tingin ko sa kanya.

"San po?" tanong ko.

"May party kasing magaganap mamaya. Mga business man and business woman ang dadalo."

"Ah, pero hindi naman po ako business woman at wala po akong alam dyan eh."

"Okay lang, hindi naman lahat ng nandoon dapat may alam. Tyaka kasama mo naman kami ni Zeyr. Isasama lang kita ng maipakilala kita sakanila. Alam ko kasing hindi ka papayag kaya pinagplanuhan ko na talaga."

Nakangiti nyang sabi.

Shit! Ayokong sumama, kaso nakakahiya namang sabihin ng diritso.

"Wala po akong susuotin eh" pagdadahilan ko.

Sana effective ...

Sana..

"Uh oh"..

Yess! effective!!

"Meron diyan no. Kanina ko pa pinahanda. Pati mga iba mo pang kailangan. Haha"..

Haisst hindi pala effective.. Grabe planadong planado talaga.

------------

I Can Make You Cry In Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon