CHAPTER 6

5.9K 103 1
                                    

CHAPTER 6

1 Month later..

Nagising nalang ako sa isang maaliwalas na kwarto. Medyo nasilaw pa ako sa ilaw na nanggagaling sa kisame.

Lahat ata ng gamit dito kulay puti eh. Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto at nasa hospital pala ako at mukhang ako lang ang magisa rito.

Dahan dahan akong umupo at sumandal sa headboard. Medyo kumirot pa ang ulo ko at medyo nahilo pa ako.

Ano kayang nangyari at nasa-ospital ako. Sino naman kaya ang nagdala saken dito?.

At ngayon ko lang namalayan na puno ng benda ang mukha ko 'as in lahat maliban nalang sa mata ko at bibig ko.

Nakabenda rin ang kaliwa kong paa at meron din akong gasgas sa iba't ibang parte ng katawan.

Para na akong mummy, yung nasa movie.
Bakit nagkaganito ako? Ano kayang nangyari? Wala talaga kasi akong maalala eh.

Sa malalim na pag-iisip ko, biglang bumukas ang pinto. Nabaling ang tingin ko sa mga pumasok.

Isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na kasama ang isang lalake na mukhang asawa nya. May mga itsura sila at alam kong mayayaman sila base narin sa damit nila. May kasama pa silang lalaki na nakasuot ng puting coat at alam kong doctor sya.

"Buti at gising kana, ayos lang ba pakiramdam mo?" tanong ng babae at umupo sa kama, habang ang dalawa naman ay nakatayo lang sa harap namin.

"Hmm, ayos naman po" medyo nahihirapan kong sabi sakaniya dahil nga sa nakabenda ang mukha ko.

"Ano po palang nangyari saken? Bakit naka benda po ang mukha at paa ko?" tanong ko rito.

"Bago yun, magpapakilala muna kami sayo." napatango naman ako.

"Im Amandine Victoria Zoldyck and this is my husband Zeyr Stein Zoldyck" turo niya sa lalake na sabi ko ay mukhang asawa nya.

"And this is Doctor Chen" dagdag nito.

"Hi po! Ako nga po pala si Hevendyze Fraine. Nice to meet you po" nakangiti kong sabi.

"Dun naman sa tanong mo kanina. Kaya ka may benda sa mukha at paa ay dahil sa nasagasaan ka. Hindi namin nakita lahat ng pangyayari. Nakita nalang namin na duguan kana at walang malay habang yung kotse naman ay humarurot na paalis. Kaya sinugod kanamin dito. 1 month kana ring tulog at salamat sa diyos na buhay ka" mahabang lintaya ng babae.

"Salamat po sa tulong nyo, pero bakit wala po akong naaalala?" tanong ko.

"It is normal for patients who has been on accident to not remember anything. It will just get better as the time goes by. Their is no serious complication on your brain, at buti naman na may naaalala ka pa kahit pangalan mo lang. It is a good sign that you are progressing. And by the way, the thing needs to fix next is your face. What you just need is to have rest and take all medicine that I prescribed to you" sabi ng doctor.

I Can Make You Cry In Pleasure Where stories live. Discover now