CHAPTER 2

6.9K 100 0
                                    

CHAPTER 2

Habang hinihintay ko si Parrah may lumapit saaking lalake na mukhang adik. Base narin sa mukha nya parang marami narin ang nainom nya.

"Hi babe" malanding sabi nito sabay pulupot ng kamay sa aking bewang. Kinabahan naman ako dahil sa paghigpit ng kapit nito.

"Huwag mo nga akong hawakan!" sigaw ko rito at winasiwas ko rin ang kamay nitong nakapulupot sa bewang ko. Nilakasan ko nalang ang loob ko para lang hindi mabastos ng lalaking ito kahit na kinakabahan nako.

"Huh, pakipot ka pa kasi babe eh, alam ko namang gusto mo rin ito" sabi pa nito at biglang hawak nito ng napakahigpit sa braso ko. Naiiyak nako sa sobrang takot at higpit ng hawak nito saakin.

"Nasan kana kasi bess, please bumalik kana". mahinang dasal ko nalang.

Nagpumiglas ako at humingi ng tulong pero wala man lang tumulong, patuloy parin sila sa mga ginagawa nila.

"Please wag po, maawa na kayo" umiiyak kong paki-usap dito. Pero hindi ito nag paawat at hinahatak nya ako.

Nag pumiglas ako pero hindi ko kaya ang lakas nya.

"Ikaw na babae ka kung maka react ka kala mo ang ganda mo eh ang pangit pangit mo nga naman!" sigaw nito saken.

Sobrang takot na ang nararamdaman ko. Oo pangit nga ako, pero kahit na ganun alam kong meron parin saking nagmamahal. Ang Bestfriend ko at ang Boyfriend ko. Sila nalang ang natitirang sandalan ko sa lahat ng oras.

Kaya naman kahit nanghihina na ako sa sobrang takot ay nilakasan ko nalamang ang aking loob. Kinuha ko ang juice na iniinuman ko kanina kahit hindi pa ito ubos at malakas kong ipinukpok ito sa ulo nya. Nabasag ito at nakatulog rin yung lalake. Tumakbo na ako papuntang CR para hanapin si Parrah kahit na halos mawalan na ako ng balanse sa sobrang pagmamadali.

Hindi ko namalayan na nasugatan na pala ang kamay ko sa lakas ng pagkakapukpok ko. Umiiyak akong tumungo sa CR.

Pumasok ako sa loob at hinanap sya pero mga taong nag se-s*x lang ang nadatnan ko. Grabe naman, pati ba naman dito meron padin?.

Haiistt san kana ba kasi bess? Umalis na ako dun kasi hindi ko na nakayanan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya pero hindi naman ito sumasagot.

Itetext ko na nga lang to kahit medyo mahapdi parin ang sugat na natamo ng kamay ko.

"Bess san kana ba?. Uuwi nako kasi gabing gabi na, umuwi kana rin at itext moko kung nakauwi kana ha".

Pagkatapos mag sent ng text ay ipinasok ko na ito saaking bulsa. Hindi ko na sasabihin sakanya kung anong nangyari kanina at baka mag-alala pa sya. Ayos narin naman ako.

Lumabas nako at pumara ng taxi.

Ay tama itetext ko narin pala si Lync, di pakasi ako nakakapag paalam dun.

"Hi babe, nasan ka? Babe, pumunta pala ako kanina sa Bar kasama si Parrah. Sorry di nako nakapag paalam sayo ha, Miss you babe, love you"

Makalipas ng ilang minuto ay wala paring reply. Pupunta na nga lang ako sa condo nya tutal gustong gusto ko narin syang makita.

"Kuya, dun nalang po sa ***** Condominium."

Tumango naman si Manong at lumihis na papunta sa sinabi ko.

Habang nakasakay ako sa taxi ay inasikaso ko narin ang nagdurugo kong kamay. Binalutan ko nalang ito ng panyo ko para mapigilan ang pagdurugo. Dun ko nalang to gagamutin sa condo ni Lync.

3minutes later...

Pumasok na ako sa elevator at pinindot na ang number ng floor kung nasan sya naka check-in.

Bumukas ito at nag simula nakong mag lakad.Pagkarating ko sa harap ng condo nya ay nagtaka ako kasi nakaawang ang pinto nito.

I Can Make You Cry In Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon