CHAPTER 27

4.5K 80 0
                                    

CHAPTER 27

"Wow, my dear Heven. Hindi nako nabigla na ganyan ka kaganda ngayon." puri sakin ni Maam Amandine ng pababa ako sa hagdan.

Nakapag ayos narin sya. Ang ganda nya parin kahit na may edad na.

"Hehe, thank you po" nahihiya kong sabi.

"So, lets go?". Tumango naman ako at sumakay na kami sa backseat ng kotse.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at tahimik lang kami sa loob.

Buti pa at magtanong na ako.

"San po pala gaganapin ang party?" baling ko kay Maam Amandine na katabi ko lang. Nabaling ang tingin nya sakin bago ako sinagot.

"Sa Frixten Resort. Resort yun ng isang sikat na business man sa mundo." pahayag nya.

Tumango tango naman ako. Kung ganon marami pala talagang pupunta kung party yun ng mga business minded.

Eh? Bakit pa kasi ako sumama eh. Wala pa naman akong kaalam-alam kung anong gagawin.

"Malapit na po tayo Maam" baling ng driver saamin.

Tumingin naman ako sa bintana at mapapa 'WOW' kanalang talaga sa ganda dito.

Malayo palang kita na kaagad ang napakaraming mamahaling kotse na naka park at nakikita ko narin ang mala palasyong bahay.

Tumigil na ang sasakyan at pinagbuksan na kami ng pinto ng bodyguard.

Pumasok kami at bumungad sakin ang maraming tao.

Sa suot palang nila at pakikipag usap malalaman mo na kaagad na mga may alam silang tao dahil napaka-pormal nito.

May malaking space dito sa gitna kung san kami nakatayo at sa harap namin ang stage.

Napaka-ayos din ng mga tables at pare pareho pa ng kulay. Maraming rin naglalakad lakad na mga nagseserve ng wine at mga pagkain.

Sa gilid naman namin, nandito ang napakalawak na pool.

Grabe ang ganda dito. Parang di ka dapat magkamali ng kahit kaunti dahil sa sobrang hinhin ng mga galaw nila.

"Oh Amandine, long time no see" napatingin naman kami sa mga lumapit.

Mukhang mag asawa sila.

"Its nice to see you again Rits and Jacob" bati naman ni Maam Amandine at nakipag beso beso pa ito.

Nabaling ang tingin nila sakin dahil nasa likod lang ako ni Maam Amandine. Nahihiya naman tuloy akong ngumti rito.

"And who's this beautiful young lady?" baling naman sakin ng babae.

"Rits, Jacob this is Hevendyze my representative for today and Heven this are Rits and Jacob my friends."

"Nice to meet you Mam, Sir"

"Nice to meet you also"

At nakipag shake hands pa ako sakanila. Grabe tinalo pa kamay ko sa lambot ng kamay nila. Nahiya naman tuloy ako kasi baka magaspang tong kamay ko.

Kasama narin namin si Sir Zeyr na kakalapit palang samin. Galing daw sya sa office.

Marami pa akong nakilalang mga business man at naipakilala narin ako sakanila nila Maam Amandine. Buti nalang talaga at hindi ako iniwan nila Maam Amandine.

Marami rin akong nakilalang mga kasing edad ko lang. Bata pa lang sila pero ito nakaagad ang inaatupag nila. Grabe lang.

"Hi babe" nabigla naman ako sa pagsulpot ng ka-edad ko lang na lalake.

Sino naman kaya to?

Hahalikan na sana ako nito ng pigilan ito ng kasama nya. Nabigla pa ako sa sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ako nakareact.

"Im sorry for my son's attitude" paghingi ng tawad ng babae.

Tumango naman ako bilang sagot.

Kinindatan pa muna ako nung lalake bago umalis.

Grabe pati banaman dito meron parin?

Kala ko ba mga disiplinado ang mga business man, bakit marami parin ang malalandi?

"Kyaaaahh!" nabaling naman ang tingin ko ng biglang tumili ang mga kababaihan.

Isa pato eh. Kala mo mahihinhin pero ganyan naman kung makaasta.

At sino naman kaya ang pinagtitinginan nila? Binaling ko ang atensyon ko sa bagong dating at sa kotse nya palang ay nagsusumigaw na kung gaano sya karangya.

Bumukas ang pinto at bumaba ng sasakyan ang lalaking kilala ko.

I Can Make You Cry In Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon