Chapter 1

3K 62 32
                                    

"Got the news? May bago na daw tayong teacher sa Descriptive201." Dennise said habang umuupo sa tabi ko. "They said he was hot." 

"He's not hot..." i said. Tinaasan lang ako ng kilay ng bestfriend ko. "He's smoking hot!" dugtong ko  na lalo namang kinataas ng kilay niya. Bago pa lang kasi ang hot prof namin. First day niyang magturo ngayon matapos niyang palitan ang byuda at matandang si Mrs. Beunavista. 

"So you saw him?"

"Uhuh. Nagpunta ako ng faculty room to pass my essay before i got here." Kinurot niya ko sa tagiliran.

"Ang daya mo! Ba't di mo man lang sinabi para masamahan kita."

"Tse! Naghihihilik ka pa nga sa kama mo ng umalis ako." Roommate ko kasi si Dennise. 

"Rumored na sikat na writer daw si new prof.  May mga published books."

"Oh?"

"Yup."

"Ano daw genre ng mga sinusulat niya?"

"Dunno. Pa mysterious effect din tong si Sir. Pero hindi na 'ko magtataka kung erotic romance yung books niya, babaero daw e." she mumbled then laughed. "So? Gwapo nga?" Tumangu-tango lang ako saka malalim na nagbuntung hininga. 

"Maganda ba 'ko?" tanong ko.

"Ha?" kunot noong tanong ni Dennise. "Hoy Jennifer Buenavista, tuluyan ka na bang nawala sa sarili dahil nagretiro na ang Nanay mo." sabi pa nito pagkuway tumawa. Tinutukso kasi nila akong Nanay ko si Mrs. Buenavista dahil magkaapelyido kami. I cringe. Naglalaro na naman sa isip ko ang mga kadugyutan na pinaggagawa ng pobre naming maestra. Marahil dala ng katandaan nakakalimutan na rin nitong maging malinis sa paningin ng ibang tao. Sakitin na kasi si Ma'am. Nagdadala siya ng cellophane at duon dumudura, kesa naman daw bumaba pa siya sa hagdan ng school. Nasa second floor pa kasi kami. Nung minsang hindi makapagdala, tinry niyang dumura sa bintana at torture sa buong klase ang pagsabit ng malapot at may bubbles bubbles pang laway niya sa bintana buong araw. Ew. I flinch.

"Basta sagutin mo na lang!" 

"Yung totoo friend?" nakangisi at nakakaloko nitong tugon.

"Wag na nga lang." kunwari'y nagtatampo kong sagot. "Kasi nga nitong umaga dumaan ako sa faculty para ipasa ang project ko sa Essay2a diba?"

"Oh tapos?"

"Si hot prof... Titig na titig siya sa akin nung mapadaan ako sa harap niya." Tumawa lang ng malakas si Dennise.

"Sinong drug addict ang dinekwatan mo ng shabu at ang high mo? Ikaw na rin nagsabi na ang hot ng bagong prof." 

I groaned. "Ang sama talaga ng ugali mo. Para mo na ring sinabing ang pangit ko." 

 "Joke lang! Syempre maganda tayo no!" she said and give me a quick hug. "Pero te, ang ilusyon isinusulat sa wattpad!" sabi pa nito saka tumawa.

Medyo masakit man nakitawa na rin ako sa kanya. Nga naman, malabong magkagusto si hot prof. Hindi naman ako kagandahan para mapansin niya. Siguro sobra na talaga akong nadadala sa mga sinusulat kong novel sa wattpad. Nagfefeeling bida. Idagdag mo pa na may bestfriend akong sobrang ingay. Di ba ganun yun may sidekick kang pabiba at maingay. At syempre may prince charming. Yung tipong hindi ka pinapansin pero unti-unti maiinlove sa kaweirduhan mo. Yung tipong sobrang gwapo pero sa lahat ng mga babae kayo pa talaga ang pinaglalapit ng tadhana. Yung tipong pabadboy pero saksakan pala ng romantic. 

"Hi babe!"

Sumimangot ako. "Ano na namang kelangan mo Ventura?" i hissed. 

"Grabe babe ang aga aga ang init ng ulo mo."

"May hot prof kasi." sabat ni Dennise. "And he's not just hot, he's smoking hot. Di ba best?" she added. 

"Nakita ko na. Mas hot ako dun." Jake said.

"Weh? Ang sabihin mo nabawasan ang Ventura fandom dahil may bagong dating na mas gwapo kesa sa'yo." 

"So inamin mo ring gwapo ako."

"Hindi ah. Ew." ani Dennise. I laughed. Itong dalawang to talaga.

"Alam niyo bagay kayo." sabi ko. Natigilan ang dalawa sa sinabi ko. Saka halos magkasabay na umaktong nasusuka.

"Si Jake? Best naman. Wag ganun!"

"Ang choosy mo Cornejo ha? Pasalamat ka nga pinapansin pa kita."

"Sabing wag mo kong tawaging Cornejo eh!" angil ni Dennise kay Jake. I laughed. 

"Cornejo... cornejo... cornejo..." panunukso pa ni Jake. Umaktong susugurin ni Dennise si Jake pero agad itong nakatakbo palayo. Naghabulan ang dalawa sa loob ng classroom. I look at them, amused. Parang mga bata. Si Dennise eighteen years old na--- mas matanda ako ng isang taon, si Jake naman seventeen. Ewan ko ba sa batang yan. Halos iba iba ang babaeng kasama araw araw kaya hindi ko magawang seryosohin ang mga claims niyang ako lang talaga ang gusto niya. If ever man, wala rin naman akong gusto sa kanya. Luminga-linga ako sa paligid, marami na palang estudyante. Student writers.

I simply smiled. Ganito pala pag pinagsama mo ang mga writers sa loob ng isang classroom. Magkakaibang edad meron kami. Our division is called Mids, ages from seventeen to twenty one years old. 

Wattpad Academy consist of three divisions. West, Mids, East. Ang mga twelve to sixteen are called West. The twenty two and above are called East. Those names came from where we are located in our school. Malaki nga kasi ang WAC. 

Ibang iba ang Wattpad Academy sa karaniwang sistema ng pag-aaral sa Pilipinas. Kahit first year ka pa lang sa WAC basta seventeen to twenty one ka hindi ka nila ilalagay sa West. You'd be in Mids. We are individually assessed. Kaya aside from our regular class and category class, we have recovery classes for those writers who has certain field on their writing that they have to improve. Hindi naman kasi pupwedeng gumradweyt ng Mids na shunga shunga ka pa rin. Kaya kung twenty one ka and first year sa Mids, goodluck sa'yo. Napakaistrikto kasi ng WAC, hahanap at hahanap sila ng weakness mo. Kaya kahit i one on one ka pa ng teacher na naassign sa'yo gagawin nila just for you to improve. 

"Good morning class." Si hot prof. 

 "Aray ko!" bulalas ko ng sikuhin ako ni Dennise sa tagiliran.

"Eng gwapo nga te!" halos pabulong nitong sabi.

Agad nagsulat si hot prof sa board. 'Jessie Dylan Romero' 

"Pangalan pa lang ulam na!"

I chuckled. Hindi talaga paawat tong si Dennise.

"Im your new professor in Descriptive201. I'm Jesse Dylan Romero. You can call me Jess or JD." hot prof said in a very sexy voice.

"Syet. Ang sexy ng boses!" Marahan akong natawa sa komento ni Dennise. May dahilan nga talaga kung ba't kami magbestfriends.

.

.

.

.

.

"Prepare for a class recitation tomorrow." Sir Jess announce ng magbell. He got  his notebook at tinapunan ako ng tingin. He smiled. Agad akong lumingon sa likod para siguraduhing sa akin nga talaga siya nakangiti. Walang tao. I turn to his direction to smile back pero mabilis siyang nakaalis ng classroom.  

Tinignan ko si Dennise. Nakakunot din ang noo nito. "Did.. Sir Jess smiled... at you?"

A/N if you happen to stumble upon my work, thank you. This is my very first novel in wattpad. I'm open for any constructive criticisms. So just pm me. :)

Wattpad AcademyWhere stories live. Discover now