Chapter 27

27K 668 41
                                    

A/N: Ohohoy!! Eto na po yung pinakahihitay nyong update sa lovestory nila Cassy and Michelle. Bawal pong kiligin sa chapter na to. Bawal pong magsmile habang binabasa to. Pag nalaman ko lang na nagsmile kayo at kinilig, hindi ko na iuupdate to. hahahaha! Joke! Gusto ko lang mambully, nasa mood lang ako. hahahaha!

Enjoy guys! Mahal ko kayong lahat! Salamat sa pagsuporta sa mga stories ko. Salamat din sa mga nag-ppm lagi sakin! Alam nyo na kung sinu-sino kayo ^__^

=============================================================================

CASSY'S POV:

"Ate, kabisado mo ba yung daan papunta sa hacienda ng lolo at lola ni Michelle?" tanong sakin ni Pam paggising ko.

"Hmmm, medyo nakatulog ako nung dinala nya ko don pero alam ko naman kung san kami dumaan, bakit?"

"Tumawag kasi sakin si Mich---"

"Huh? Bat hindi sakin tumawag?"

"Kanina ka pa daw kasi nya tinatawagan, di mo sinasagot. Baka daw tulog ka pa kaya sakin sya tumawag"

"Ah, o anong sabi nya?"

"Nandun na daw sya sa batangas, tinawagan daw kasi sya kagabi nung lolo nya, may importante daw silang kailangang asikasuhin kaya nauna na sya don."

Nalungkot naman ako bigla sa sinabi ni Pam. Ibig sabihin hindi ko sya makakasama sa byahe.

"Hay buti na lang" sabi pa ni Pam.

Napataas naman yung kilay ko sa sinabi nya. Anong buti na lang? na hindi kasama si Michelle sa byahe?

"Huh?"

Mahina naman itong tumawa.

"Buti na lang nauna na si Michelle. Baka kasi maloka kami ni Gabby sa kasweetan nyo sa buong byahe eh. Ngayon ko lang kasi nalaman na ang clingy mo pala ate! Sa iba mo namang boyfriends hindi ka naging ganyan" natatawa pang sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Pam. Actually, may point sya don. Hindi naman talaga ko touchy-touchy at super clingy sa mga ex boyfriends ko. Minsan nga, hindi ko pa sila hinahawakan eh. At never din akong naging selosa noon. Kay Michelle lang talaga. I never thought na makakaya kong magmahal ng tulad ng ganito.

Yung paggising ko pa lang sa umaga, napapangiti na ko dahil sya agad yung pumpapasok sa isip ko. At ngayon lang din na halos hindi ko bitawan yung cellphone ko dahil hinihintay ko yung mga tawag at text messages nya.

And everytime nakikita ko sya, iba yung sayang nararamdaman ko. She's making me fall for her everyday kahit wala naman syang special na ginagawa sakin. She's the best thing that ever happened to me.

"Hoy ate! Bat nakangiti ka dyan na parang ewan? Kanina lang ang lungkot mo kase hindi natin makakasama si Michelle. Baliw ka no?"

"Baliw ka dyan! May naalala lang ako"

"Nah, baliw ka na sa pagmamahal kay Michelle. Iba talaga pag pinipigilan no? Mas lalong sumisidhi ang pag-ibig na nararamdaman"

Natawa naman ako sa sinabi nya. Etong si Pamela, akala mo sya yung mas matanda saming dalawa eh.

"Ang lalim non ah Pamela."

"Pero seryoso ate, masaya ko kase ngayon lang kita nakita ganyan kasaya sa partner mo. Iba yung glow ng mga mata mo pag nakikita mo o kahit nababanggit lang namin si Michelle. Iba din yung smile mo everytime nagkkwento ka sakin ng tungkol sa mga ginawa nyo or pinag-usapan nyo. Ang lakas ng tama mo kay Michelle ate!" nakangiti pang sabi nito.

"Buti na lang talaga sinunod ko yung advice mo sakin non. Siguro kung pinigilan ko to, hindi ako ganitong kasaya ngayon."

"Hay nako, nagddramahan na tayong dalawa dito. Bilisan na natin at maya-maya dadating na si Gabby."

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon