Chapter 13

27K 595 11
                                    

A/N: Dahil nasa mood pa rin akong mag-update :) eto na po yung chapter 13 ^___^

sana po magustuhan nyo.

idededicate ko pala dun sa taong tutulungan akong patayin isa-isa yung characters dito. haha! =___=

=============================================================================

MICHELLE'S POV:

So hindi pala talaga panaginip yung nangyari kagabi. Kasama ko talaga ngayon si Cassandra Reyes. Hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan nya talaga ko kagabi. Akala ko mag-iisa lang talaga ko dito. Natuwa ako nung sinabi nya sakin na habang nagdidinner sila, nandito yung isip nya. Pero alam kong hindi dahil gusto nya talaga kong makasama. Alam kong naguguilty lang sya dahil idea nya tong island cheverness na to. Pero at least hindi nya ko pinagtatabuyan at pinandidirihan tulad ng ginagawa nya sa ibang katulad ko. Masaya din ako dahil pumayag syang maging magkaibigan kaming dalawa. I'm so stupid na isipin na pwede ko syang gamitin para makalimutan si Sam. Hindi pang rebound ang isang Cassandra Reyes. Kahit alam kong walang pag-asa na mahalin nya ko, sya pa rin yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Tingin nyo, bakit ba ko pumapayag na makipagdate at ituloy tong matchmaking chever na to? Hmmm, dahil nagkakaron na ko ng feelings kay Joel? Isang malaking ASA! Kahit kelan hinding-hindi ko mamahalin si Joel ng tulad ng pagmamahal nya sakin.

Isa lang naman yung dahilan kung bakit nandito ko ngayon. Yung babaeng kaharap ko ngayon. Yung babaeng masungit pero alam kong nag-aalala para sakin. Yung babaeng makita ko lang, napapangiti na ko at nakakalimutan ko yung lahat problema ko. At yung babaeng binayaran ng mga magulang ko para gumawa ng paraan na magkagusto ko kay Joel.

I'm falling inlove with the matchmaker. I'm falling inlove with Cassandra Reyes.

Biglang pumasok sa isip ko yung eksena kanina. Nung muntik ko na syang halikan. Damn! Gustung-gusto ko syang halikan kanina pero naisip ko, papano kung pandirihan nya ko? Papano kung magalit sya sakin at hindi na ko kausapin? Makakaya ko ba yon? I don't think so. Kahit kaibigan lang, ok na ko don. Pero tulad ng sinabi ko kagabi sa kanya, hindi pa rin ako susuko, gagawin ko lahat para mahalin din ako ni Cassy.

I'll make you fall inlove with me Ms Matchmaker.

"So tapos ka ng titigan ako?" narinig kong sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. Nakataas ngayon yung mga kilay nya habang masama ang tingin sakin. Oh well, mahuli ba naman kasi nya ko na nakatitig lang sa kanya, habang sya, hirap na hirap sa pag-iihaw ng isdang kakainin namin.

Nagkibit-balikat ako. Ayoko namang itanggi na tinititigan ko sya. Pero mas lalong ayokong aminin sa kanya.

"Baka gusto mo na kong tulungan" sabi pa nito.

"Baby talaga ang init ng ulo. Eto na tutulong na po ako. Wag ka na pong magsungit dyan kase pumapangit ka" nakangiting sabi ko dito. Kinuha ko na din yung dalawang kahoy na may isda at itinapat sa apoy.

"Kanina pa kasi tinatawag, hindi mo ko pinapansin" nakasimangot pa rin na sabi nito. In fairness, hindi sya nagalit na tinawag ko syang baby. Bago yon ha! '

"Pasensya na po, may iniisip lang ako"

Mas lalong tumaas ang kilay nya.

"Sino si Sam?" inis na tanong nito.

Sa totoo lang, kung hindi ko lang talaga alam na straight at medyo homophobic tong si Cassy, iisipin ko talaga na nagseselos sya kay Sam eh. Mas lalo akong napangiti kaya nilapitan nya ko.

"So si Sam nga?" tanong pa nya sakin.

"Hmmm, alam mo baby, kung hindi ko lang alam na yung Rex yung mahal mo, iisipin ko na nagseselos ka kay Sam" tukso ko dito.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon