Chapter 14

23.6K 571 21
                                    

A/N: Sorry guys! Medyo maikli lang to. Nadidistract kase ko sa boses ng kapitbahay namin eh. Kanina pa kanta ng kanta. Nakakaloka!

=____=

===========================================================================

CASSY'S POV:

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko nung niyakap ni Joel si Michelle sa harap ko. Pero diba dapat masaya ko? Kaya nga kami nandito diba? Para mahalin nila yung isa-isa. At ako ang matchmaker nila. Binabayaran nila ako.

"Penny for you thoughts?" narinig kong sabi sakin ni Pam.

Tinabihan nya ko sa may tent kung san ako nakaupo. Nakatingin ako ngayon kila Gabby na nag-aayos para sa dinner nila Michelle habang nag-iisip.

Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat kung sabihin sa kanya kung ano tong nararamdaman ko. Dahil kahit ako naguguluhan na. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"C'mon ate, kilala kita. Anong iniisip mo?"

"Hindi ko din alam Pam"

"May kinalaman ba si Michelle dito?"

Agad naman akong napalingon dito. Pano nya nalaman?

"So tama nga ako. Kaya imbes na si Gabby na lang yung pinapunta mo dito kagabi para samahan sya, ikaw mismo yung pumunta. At ate, nakita ko kayo kaninang magkaholding hands"

Nanlaki yung mga mata ko.

"Nakita mo?"

"Yep! Hinahanap kasi kita kanina. So alam ko nandun ka sa may falls. Pagpunta ko don, nakita kong hawak-hawak mo yung kamay ni Michelle"

"Natatakot kasi sya"

"Wala ka naman pakelam dati diba kung ano yung nararamdaman ng ibang tao? At hindi ka basta-basta nagpapahawak sa kamay mo"

Malungkot na tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin.

"Gusto mo na ba sya?"

"Hindi ko alam"

"Gusto mo pa bang ituloy to? nakikita ko sa mata mo na nasasaktan ka sa nangyayari ate"

"No Pam! Itutuloy natin to. kahit kalian, wala pang tinurndown na kliyente si Cassandra Reyes."

"Ate"

"Pam, hindi to pwede! Alam natin pareho to. Hindi kami pwede ni Michelle. Para sya kay Joel at kailangan kong makasigurado na ikakasal sila. Pakisabi kila Gabby sila ng bahala dito, uuwi na tayong dalawa. " yun lang at tumayo na ko at lumapit kay manong. Kailangan ko ng makaalis dito. Pasakay na ko sa bangka ng biglang may tumawag sakin.

"Cassy"

Napapikit ako dahil naramdaman ko na naman yung kirot sa dibdib ko. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Michelle? May kailangan ka? " nakangiting tanong ko sa kanya.

"Uuwi ka na?"

"Yeah, may kailangan kase kong asikasuhin sa office eh. Sila Gabby na yung bahala sa inyo"

"Hindi ka ba pwedeng magstay muna?"

Umiling naman ako. Kailangang makaalis na ko dahil konti na lang maiiyak na ko.

"Mag-enjoy ka na lang dyan ok?"

Malungkot na tumango ito. Kung alam mo lang Michelle kung gano pa kita gustong makasama.

"Salamat" mahinang sabi nito.

"Anytime Michelle." yun lang at tumalikod na ko dito. Nakita ko rin kasi na papalapit na samin si Pam.

Hanggang umandar yung bangka, hindi pa rin ako lumilingon sa kanila. Ang bigat-bigat na kasi ng dibdib ko. Alam kong pag nilingon ko sya, bubuhos lang yung mga luhang kanina ko pa pinipigil.

How can you be that stupid Cassy? Bakit sa dinami-dami ng pwede mong magustuhan, kliyente mo pa? At eto pa, babae sya! Pagtatawanan ka lang ng mga tao pag nalaman nila yan!

Tahimik lang kami hanggang makarating kami kabilang pampang. Agad kong inabot kay manong yung bayad ko sa kanya.

"Ineng, ikaw lang ang makakalutas ng problema mo" narinig kong sabi nito bago tuluyang umalis.

"Lika na ate?" yaya ni Pam.

Tumango lang ako at sumakay ng kotse. Hinang-hina akong sumandal at pumikit. Naguguluhan na talaga ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko pwedeng iwasan si Michelle dahil kailangan kong maging professional.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang ang mahinang tapik ni Pam.

"Ate nandito na tayo"

Agad naman akong umakyat sa kwarto. Nagshower muna ako at nagpalit ng damit. Nawala na rin yung antok ko kaya nanood muna ako ng movie. Kailangang ma-divert sa iba yung isip ko para mawala SYA sa isip ko.

Habang nasa kalagitnaan ng movie. Bumalik sa isip ko lahat ng nangyari sa island. Yung itsura nya nung nadatnan ko sya. Yung pagyakap nya sakin. Nung inamin nya sakin na gusto nya ko. Yung natulog kami ng magkatabi at magkayakap. Yung habulan namin sa dagat, yung akala kong hahalikan nya ko. Yung cute na cute nyang mukha nung nalaman kong hindi sya marunong maghimay ng isda. Yung paghawak ko ng kamay nya habang naglalakad at nagkkwentuhan. Yung nakita kong selos sa mukha nya nung nabanggit si Rex. At yung malungkot nyang mukha nung pauwi na ko. Ano nga bang meron ka Michelle at hindi ka maalis sa isip ko?

"Don't tell me umiiyak ka dahil sa movie." Si Pam. Bakit ba hindi man lang to marunong kumatok? Bigla-bigla na lang laging sumusulpot?

"Kumatok ako ate, kaso nakatulala ka lang dyan at umiiyak" whoa! Nakakabasa ba sya ng isip?

"Ate, naririnig kita, hindi ako nakakabasa ng isip" natatawang sabi nito.

"O eh ano bang ginagawa mo dito?"

"Chnecheck ko kung ok ka lang ate."

"Ok naman ako. Naiyak lang ako sa movie"

"Oo ate, nakakaiyak kasi yang WHITE CHICKS eh"

Shoot! Comedy pala yung pinapanood ko. Aish bat ba hindi ko naisip yon?

"Nakakaiyak sa sobrang nakakatawa" pagdadahilan ko sa kanya.

"Ate kilala kita no! Wag ka ng magdeny sakin. Alam kong wala dito at lalong wala dyan sa movie na yan yung isip mo. Naiwan sa island diba?"

Wala sa sariling napatango ako.

"Pam, mali kasi to. Hindi ko sya pwedeng mahalin"

"Anong gagawin mo? Pipigilan mo? Alam ko iniisip mo na pagtatawanan ka ng mga tao, si Cassandra Reyes, si Ms Homophobe, nagkagusto sa tulad nyang babae. Tingnan mo nga naman ang karma. Tama ako diba ate?

"Hindi ko alam Pam"

"Well you have to figure it out ate. Kase pag pinatagal nyo pa yan, mas lalo kayong masasaktan."

"Bahala na"

"Basta nandito lang ako lagi ate ha. Kung ano mang desisyon mo, susuportahan kita. Kung sino man yung mahal mo, tatanggapin ko" sabi nito bago lumabas ng kwarto.

Ano nga bang gusto mo Cassy?

or should I say..

Sino nga bang gusto mo Cassy?

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon