Chapter 22

26.1K 646 40
                                    

A/N: Tulad po ng pinramis ko kanina. Eto na po yung kasunod na chapter.

Enjoy ^___^

===========================================================================

MICHELLE'S POV:

"Baby girl, isasama ko si Sam sa dinner mamaya ha"

Bigla naman akong napatingin kay kuya JP.

"What? Bat mo naman sya isasama? Akala ko ba ikaw lang?"

"Nabanggit ko kasi sa kanya na may dinner nga tayo with Cassy mamaya."

Damn! Hindi alam ni Sam na matchmaker namin ni Joel si Cassy. Ang alam nya, girlfriend ko si Cassy. Hassle naman tong si Kuya eh!

"Papayag lang ako sa isang kundisyon"

"Spill!"

"Wag mong babanggitin kay Sam na matchmaker namin ni Joel si Cassy. Ang alam nya kase girlfriend ko si Cassy."

"Huh? Bakit?"

"Basta kuya, mahabang kwento. Kung gusto mong isama yung girlfriend mo, manahimik ka" inis na sabi ko sa kanya.

Bat pa kasi nya kailangang sabihin kay Sam? Pwede namang gumawa sya ng ibang dahilan.

"Sige pero ikkwento mo sakin kung bakit ha"

Tumango na lang ako dito. Ayoko ng pahabain pa yung usapan. Kailangan kong makaalis ng maaga dito dahil dadaanan ko pa si Cassy my love.

CASSY'S POV:

"Ms Cassandra, eto na po yung pinapakuha nyong files" pilit ang ngiting sabi sakin ni Gabby.

Nakangiti ko iyong tinanggap.

"Thanks Gabby" sabi ko dito.

Tinitingnan ko na yung files ng bagong client, nang mapansin kong nasa office ko pa rin si Gabby. Nakatulala lang sya sakin.

"Yes Gabby? May kailangan ka pa?" malumanay na tanong ko dito.

"M-may sakit po ba kayo Ms Cassandra?"

Maang na napatingin naman ako sa kanya. Anong pinagsasabi nito? Mukha ba kong may sakit?

"Wala naman Gabby bakit?"

"Kasi po ngayon lang kayo ngumiti sakin" naiiyak na sabi nito.

Oh! Ganun ba talaga ko ka-harsh sa kanya non?

Nilapitan ko sya at niyakap.

"I'm sorry. Pasensya na kung may mga nasabi akong hindi maganda sayo. Sa mga tulad mo. Pasensya na din kung lagi kitang sinusungitan."

"Nakakaiyak naman Ms Cassandra. Okay na po yun. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun yung trato nyo sa tulad namin"

"Sorry ulit ha. Promise hindi na mauulit. Btw, you can call me Cassy. Masyadong pormal yung Ms Cassandra eh. Ang sakit sa tenga."

Ngumiti naman ito sakin.

"Wala na yun Cassy. Masaya ko na nagbago ka na."

Whoa! Nagbago na ba talaga ko?

"Yeah, nagbago na nga yata ako"

"Salamat na lang talaga kay Ma'am Michelle no? Kase mas naintindihan mo yung mga tulad namin dahil sa kanya"

Pagkasabi non ay lumabas na sya sa office ko.

Bigla naman akong napangiti sa sinabi nya. Ganito na ba talaga yung epekto ni Michelle sakin? Ang dami na nyang binago sa buhay ko ha. Tama si Gabby, mas naintindihan ko yung mga tulad nila mula ng mahalin ko si Michelle.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon