Chapter 15

24.7K 652 23
                                    

A/N: Ehem! Kahit po napagod ako ngayong araw, gumawa po ako ng paraan para makapag-update. Ayoko po kasing madisappoint kayo. And pasasalamat ko na rin po kase nasa 41K reads na po yung My Bestfriend's Ate. Salamat sa pagbabasa guys.

=============================================================================

CASSY'S POV:

Hay nako! Nakakainis na talaga tong baklang Gabby na to ha! Kanina ko pa pinapakuha sa kanya yung files nung isa pa naming kliyente! Pag ako pumalpak dito lagot talaga sya sakin! Isa pa tong Michelle na to, kelan ba sya maiinlove kay Joel?

Yun talaga yung gusto mo Cassy?

Oo naman! Yun yung dapat mangyari. Binabayaran ako para gumawa ng paraan para mainlove din si Michelle kay Joel.

Ah, so kung maiinlove si Michelle dun kay Joel ok lang sayo?

Definitely!

Hanggang kelan ka magsisinungaling sa sarili mo?

Huh?

Wala Cassy, deny lang. Pero sana lang maisip mo yang kaligayahan mo bago sya tuluyang mawala sayo.

Shut up! Hinding-hindi ako magkakagusto kay Michelle. PROMISEEE!

"Ang cute mo talaga" huh? Pati ba naman sa isip ko naririnig ko pa rin yung boses ni Michelle.

"Suplada?" sabi pa nito.

Napalingon agad ako sa may pinto.

Nakangiting mukha ni Michelle yung nakita ko. Narinig ko na naman yung lakas ng tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. Wala naman kaming session ngayon ah.

"Gusto lang kitang makita"

Oh gosh! Kinikilig akooooooooooo.

"Ah ok, nakita mo na ko so makakaalis ka na" walang ganang sabi ko sa kanya. Syempre hindi ko dapat ipakita sa kanya na kinikilig ako no!

"Ayaw ko. Dito lang ako."

"Wala ka bang ibang ginagawa?"

"Wala. Kaya dito lang ako sa tabi mo"

"No Michelle. May pupuntahan akong kliyente."

"Sasama ko" masayang sabi nito.

"What? Hindi kita kailangan don. Baka sirain mo lang yung diskarte ko"

"Promise hindi ako manggugulo" sabi pa nito with puppy dog eyes.

"Wag na, baka landiin mo lang yung babae"

Ngumiti naman ito ng malapad.

"Asus, ang selosa naman ng baby ko. Wag kang mag-alala, nasayo lang po mata at puso ko" sabay beautiful eyes ni ate.

Umiling lang ko. Pero ang totoo nyan, gustung-gusto ko na syang yakapin sa sobrang kilig.

"Sama na ko. Please please please" sabay hawak nito sa kamay ko.

Agad ko naman itong binawi ng may kumatok sa pinto. Ay teka, bakit tong babaeng to hindi man lang kumatok kanina?

"Ms Cassandra, eto na po yung files" sabay abot sakin ni Gabby.

Nagpalipat-lipat ito ng tingin saming dalawa ni Michelle. Napataas naman bigla yung kilay ko.

"Bakit ganyan ka makatingin Gabby?" mataray na sabi ko sa kanya.

"Hindi ka na homophobic?" derechong tanong nito.

"What? Problema mo?" mas lalong tumaas yung boses ko.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon