Lalaban Lang

42 17 1
                                    

Laban lang
-
Sasapit muli ang gabi
Mararamdaman nanaman ang lungkot at pighati
Palalim ng palalim
Kasabay ang mga patak ng luha sa pisngi

Pagod na pagod na sa laban ng buhay
Ngunit hindi susuko hangga't hindi nagtatagumpay
Naniniwalang may bahaghari
Pagsapit ng malakas na ulan

Naniniwalang may bukas pa
Para patuloy na umasa—
Umasa sa kapayapaan at kasiyahan
Umasaa na makamtam ang katagumpayan

Aasang magiging maayos din ang lahat
Na para bang walang gyerang naganap
Magmimistulang parang bata
Na walang kinikimkim na mabigat

Kung saan matatagpuan muli
Ang matatamis na mga ngiti sa labi
Hindi mapapagod lumaban at umasa
Hanggang sa maganap ang lahat— ang pagdating NYA.

©MissAelyn

🎉 Tapos mo nang basahin ang Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems) 🎉
Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon