Mrs.Blanco

53 20 1
                                    

"Aming Pangalawang Ina"
(Tula ko para aming Adviser)
-
Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito,
Susulitin ko na ito,
Isinulat ko itong tula na ito ,
Para sa mahal kong guro ,

Aming pangalawang ina ,
Na mas kilala bilang  guro sa paaralan ,
Salamat po sa matsagang pagtuturo ,
Salamat po sa mga magandang aral at asal na inyong tinuturo saamin .

Kahit na kami'y makukulit at may saltik ,
Alam po namin na ikaw ay may malasakit ,
Madalas ka man pong mag-walk out saamin,
Laging tatandaan na ika'y may halaga sa bawat isa saamin ,

Pangalawang Ina namin ,
Salamat po ng napakarami ,
Sa pagtuturo , pagmamahal , pagmamalasakit ,
Ito po'y aming dadalhin sa aming paglaki ,

Hindi mo man po makita ang aming pagmamahal sa iyo ,
Sana'y sa munting tula kong ito ,
Ay malaman mo na ikaw po ay tinuturing naming Pangalawang Ina ,

Kung alam nyo lang po na kami'y nagseselos sa iba,
Sapagkat madalas kami'y inyong pinagkukumpara ,
Pero kami ba'y magseselos kung ika'y hindi mahalaga  ?
Syempre hindi sapagkat samin ika'y napakahalaga,

Munting Ina namin dito sa paaralan
Sana'y hindi kayo magsawa sa pag - iintindi saamin,
Mukha mang lagi kaming tinatamad sa mga lesson,
Ee mas gugustuhin pa naming makinig kaysa ikaw ay umalis,

Aming pangalawang Ina ,
Mahal ka po namin ,
Hindi man po halata  ,
Pero ikaw po talaga ay mahalaga ,

Maligayang araw ng mga guro sa iyo aming pangalawang Ina ,
At ito po ang aking munting tula para sayo Ina .

Ilove you , Saranghae  , Aishiteru , Mi amor , Te amo Mrs. Blanco

©MissAelyn

Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Where stories live. Discover now