Munting Panaginip

102 25 5
                                    

Munting Panaginip
-
Paasa , yan ang una kong naisip nang magising ako sa katotohanan
Katotohanan na panaginip lang ang lahat
Na ako'y binigyan lang ng konting kaligayahan
Kaligayahan na panadalian

Ang sarap sarap balikan ng aking munting panaginip
Kahit na matagal na bumangon sa pagkakahiga
Basta ikaw lang ay makasama
Sa aking munting panginip

Pero kay sakit din isipin na umaasa ako na iyon ay totoo
Umasa ako kahit napaka imposible mangyari yon
Pero anung magagawa ko?
Nagmamahal lang naman ako sayo

Kung pwede lang kahit araw araw akong managinip
Basta ikaw ang kasama sa munting sandali
Bakit hindi ? Kung araw araw naman akong gigising na may ngiti sa mga labi
Sana mamayang gabi ika'y muling makita't makasama kahit na sa isang saglit .

©MissAelyn

Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Where stories live. Discover now