Pag-ibig ko sayo, Mahal ko

46 21 5
                                    

Pag-ibig ko sayo, Mahal ko
-
Mahal, ikaw ang aking tanglaw
Ikaw na nagbibigay liwanag sa aking araw-araw
Ikaw na pumupuno ng kasiyahan sa aking puso
Ikaw na nagbibigay kulay sa madilim kong mundo

Ikaw ang aking buwan at tala,
Makita ka lang ay sapat na
Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking madilim na parte ng buhay
Ikaw ang dahilan kung bakit may "ako" na nananatili pa

Mahal , ikaw ang nais kong makasama habang buhay
Dahil ang pag-ibig ko sayo'y walang papantay
Na tila ba ang pana ni kupido'y
Tamang-tama sa aking puso

Pusong ikaw lamang ang mamahalin
Sa hirap at tsaga parating nasa iyong tabi
Mag-aaway lamang tayo
Pero pag-iiwanan hinding-hindi natin gagawin

At dahil sa lalim ng pagmamahal sayo
Hindi kakayaning mawala ka sa tabi ko
Kaya Mahal ko, patawad sa kasalanang—pagmamahal sayo
Dahil kaya kong ialay ang aking buhay para lang sayo

Ang makita kang nanghihina
Ay hindi ko talaga kaya
Ang mga ngiti sa iyong labi
Hindi na tulad ng dati

Ang iyong mga mata na hindi na makita ang paglaban
Ang iyong tawa na unti-unti nang naglalaho
Kaya't habang ika'y unti unti nang nawawala
Ay sya ring unti-unti kong panghihina

Kaya't kasabay ng diretsong pula
Kung saan ito nalamang ang rason kung bakit ka huminga
Ay sya ring pagkitil ko sa aking hininga
Dahil Mahal hindi ko kakayanin mawala ka sa tabi ko
Kaya't sasamahan kita kahit na kapalit pa nito ang buhay ko.

©MissAelyn

Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Where stories live. Discover now