Pighati

77 21 6
                                    

Pighati
-
Nais ko nalamang humiga
At ipikit ang aking mga mata
Kasabay ng walang tigil na pagpatak
Ng mga luha sa aking mga mata

Ngunit hindi ata nakikisama ang aking diwa
Sapagkat kahit sa aking pagpikit
Damang dama parin ang sakit
Sakit at pighati na dulot ng aking Ama

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Sapagkat kahit saang sulok tignan
Saakin parin ang sisi
Ako lagi ang mali sa kanyang paningin

Ginagawa ko naman lahat ng aking makakaya
Upang sya ay hindi magalit
At Upang sya ay maging proud saakin
Ngunit kay sakit isipin sapagkat ayun talaga ang kanyang ugali

Hindi nya matanggap na sya din ay nagkakamali
Sapagkat kahit sya ang may pagkukulang
Saakin parin ang kanyang galit at sisi
Wala naman nakong magagawa kundi ang makisama

Pero mas masakit lang isipin
Pati ang aking pagsisimba
Kanyang ipinatitigil
Masama bang maglingkod sa Diyos?

Araw ng linggo ang tangi kong hinihingi
Linggo kung saan ang Diyos ay aking aawitan at pupurihin
Ngunit pati ang aking paglilingkod sa Diyos
Ay kanyang tinututulan

Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin
Mababaliw na ata ako sa aking sitwasyon
Pero hindi ako susuko at titigil
Sapagkat ang Diyos ay laging na saaking tabi

Diyos Ama na aking sandalan sa panahong ako'y may pighati na nararamdaman
Alam ko darating ang panahon na magiging maayos ang lahat
Pero hindi pa talaga ito siguro ngayon .

©MissAelyn

Broken Into Pieces (Compilation of Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon