Episode 14: Revelation [Part 2] (P4)

2.9K 42 20
                                    

Balisang nagpalakad-lakad si Xander sa labas ng emergency area kung saan siya pinayuhang maghintay para maayos na maasikaso ang itinakbong asawa. Basa parin ang kanyang suot mula ulo hanggang paa at may bahid pa ng dugo ang polo niya't mga kamay.

Hindi nagtagal ay biglang lumabas si Dr. Davide na nagkataong nakaduty sa ospital sa araw na iyon. Nagmamadali ito sa pagsulyap at paghahanap sa kanyang kinaroroonan. Nang makita naman siya nito ay agad itong lumapit upang magbigay ng hinihintay niyang balita tungkol sa misis.

"Mr. del Viñedo," dali-dali nitong sabi habang ipinapakita sa kanya ang papel na nasa clipboard. "I need your consent."

Kunot-noo niyang tinitigan ang dokumento na hindi niya mabasa sa gulo parin ang kanyang pagiisip.

"We might have to do a premature extraction of the fetus. She's bleeding internally and it can be lethal for both of them if we don't perform the operation."

"I-I don't understand... is the baby going to survive?" Natataranta't naguguluhan niyang tanong dito.

Bumuntong-hininga ang doktor at napailing ng kaunti.

"The chances are very slim at this point," tugon nito't paliwanag, "but you have to make a decision or you'll lose them both."

Naghina't nangatog ang kanyang mga tuhod sa narinig. Parang unti-unting gumuguho ang kanyang paligid. Kinailangan pa niyang ikapit ang kanyang mga palad sa pader na katabi upang suportahan ang nanlulumong sarili.

"There must be something..." muli niyang sabi na nangungusap sa manggagamot, "I can't lose my son..."

"Doc..."

Umiling ulit ang ginoo't tinapik ang kanyang balikat.

Hindi nagtagal ay lumabas na sa entrada ng emergency ang kama ni Cathy na pinapalibutan ng dalawang nurse na taga-transporta. Agad siyang napalapit sa pagdaan nito na tumigil naman sa paghihintay sa instruksyon ng doktor.

"Cathy..." tawag niya sa asawa sabay ng paghaplos sa ulo nito.

Sinubukang imulat ng nagkakamalay na esposa ang mga mata habang napapangiwi ito't napapaungol sa sakit. Marahan nitong inangat ang naghihina paring braso at inabot ang kabila niyang kamay na nakakapit sa hawakan ng kama.

"Xander..."

Agad din naman siyang kumapit sa kamay ng asawa't tinugon ang paghawak ng kanyang mga pisil.

"Alexander, we don't have time," muling paalala ng doktor na naghihintay. "You need to decide now."

"'Wag..." mahinang sambit ng katuwang. Pati mga mata nitong namumungay ay muling nagpapakawala ng mapapait na mga luha.

"Wag, Xander... maawa ka..."

Unti-unti naring pumapatak ang kanyang mga luha habang humihigpit ang taban sa palad ng asawa. Nagtatalo ang puso't isip niya sa pagbibigay ng desisyong kailangan upang ipagpatuloy ang delikadong operasyon.

Paano ba siya mamimili sa dalawang taong pinakaimportateng bahagi ng buhay niya? Sa mag-inang iniukit na niya ng buo sa kanyang mga plano't kinabukasan. Sa asawa't anak na ang tangi lamang niyang nais ay makasama sa paglaki at pagtanda. Paano niya pakakawalan ang parte ng puso niya na minahal na niya ng lubos? Paano?

"'Wag mong saktan ang anak mo... Xander..."

Napahagulgol siya sa sakit na nararamdaman sa dibdib. Wala naman siyang gustong saktan. Wala siyang gustong mawala sa kanilang dalawa. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari.

"We're losing time..." usal ni Dr. Davide na muling ipiniresenta sa kanya ang dokumentong pipirmahan.

"Xander..." patuloy na tawag ni Cathy habang umiiyak at nahihirapan. Ikinapit nito ang nakasuwerong kamay sa tiyan at kumusot ang mukha sa sakit.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeWhere stories live. Discover now