Episode 13: Revelation (Part 2)

2.7K 53 6
                                    

Halos gumagabi na naman pero hindi parin bumabalik si Xander galing sa ospital. Hindi parin ito tumatawag kay Cathy ng personal matapos ang pangyayari at wala narin siyang balita galing kay Paolo kung nasaan ang amo nito. Doon nalang siya ulit namalagi sa nursery ng anak at inatupag ang pagbubusisi ng mga damit ni Zion sa drawer.

Tumingin siya sandali sa oras sa cellphone: 6:14 pm. Parang ganito na naman yung nangyari kagabi. Nandito rin siya sa lugar kung saan tila nabubuhos ang lahat ng kanyang mga hinanakit.

Maya-maya pa'y nakarinig na siya ng katok na galing sa pintuan. Agad namang napadako ang mga mata niya roon. Sasadyain na sana niya ang entrada ngunit hindi naman nagtagal ay bigla na rin itong bumukas ng sadya.

"Apo?" Hanap sa kanya ni Madam Ramona na sumilip sa pinto.

"Lola... tuloy po..." may halong lungkot sa kanyang boses.

Pumasok ito ng tuluyan at lumapit sa kanyang kinaroroonan. Pagharap nito sa kanya'y kaagad nitong hinipo ang kanyang noo at leeg. Panay din ang paghimas nito sa magkabila niyang braso pagkatapos. Mukhang labis itong nag-aalala.

"How are you feeling? You look so pale earlier, I was so worried about you."

Hindi siya maka-imik. Hindi narin naman niya malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman o kung paano ito ipapaliwanag.

"Maayos naman po ako..." pampalubag-loob nalang niya rito at gayon narin sa sarili.

Bumuntong-hininga ang ginang. Tila hindi niya ito nakumbinsi. Marahan itong humawak sa kanyang pisngi at nagpakita rin ng labis na kalungkutan sa mukha. Hindi naglaon ay ito na mismo ang nagbukas ng paksa na nahihirapan din siyang magsabi.

"I'm sorry, apo ko. I'm sorry you had to see that..." anito sa kanya. "I couldn't help myself.... I couldn't let her treat you like dirt in this house when you're family."

"... I had to do something. I had to fight for you, my apo."

Pinagmasdan niya ang mga mata ng matanda na parang pamilyar sa kanyang paningin. Magkamukha pala sila ng mga mata ni Xander. Parehas ng ekspresyon, parehas ng pangungusap. Mas lalo tuloy kumirot ang puso niya sa pangungulila sa asawa. Napayakap na lamang siya sa lola habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Salamat po, Lola... salamat po sa lahat. Hindi ko po makakalimutan ang lahat ng mga ginagawa niyo para sa'kin... ang laki po ng utang na loob ko sa inyo..."

Kumapit rin ito sa kanya't malambing na humalik sa ulo at nang matapos nama'y hinimas ang kanyang likod.

"Cathy, mi hija... ano man ang mangyari, I'm with you. Ikaw ang apo ko," pangako sa kanya ni Madam Ramona.

"... Kayong tatlo—si Xander, ikaw, si Zion—kayo ang pamilya ko."

"... Hindi ako kailanman magsisisi na ipinakasal ko si Xander sa'yo dahil napakabuti mong bata. Mapagmahal, maalaga, at napakabait. Magiging isa kang mabuting ina kay Zion," sabi nito ng buong lumanay.

Humigpit ang pag-akap niya kay Madam Ramona na naging para narin niyang naging ina. Masakit man ang kanyang puso dahil sa hinanakit sa mga nangyayari ay nagpapasalamat siya rito sa pagdamay sa oras na iyon. Sa isip niya'y habambuhay niyang tatanawin na utang na loob ang pagtanggap nito sa kanya—ano man ang mangyari at saan man dumako ang buhay niya.

"Mahal kita, apo. Lagi mong tatandaan yan..."

* * *

* * *

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant