Episode 2: She's No You (Part 2)

7.3K 104 0
                                    

// PG for mature content

"3056... 305..."

Tama ba 'tong pinuntahan ko? Nasaan na ba 'ko?

Dahan-dahang nilakad ni Cathy ang pagkahaba-habang hallway sa ikatlong palapag. Sa lagay niya ngayon, hindi lang sakit ng ulo ang nararamdaman niya kundi pati narin pagkahilo dahil sa makailang ulit niyang pag-inom ng alak kakahintay kay Chard.

Nabigla nalang siya nang muntik na siyang ma-out of balance matapos mapasandal sa isang pintuan na bahagyang nakaawang.

"Aray... ano bang..."

Kumapit ulit siya sa handle at sinilip ang numero ng kwarto.

"3... 6... 6..." Kunot-noo niyang pagbasa sa nakapaskil na mga numero sa pintuan.

Ito na siguro 'yon. Sinilip niya ang madilim na lugar na bahagya lamang nasisinagan ng ilaw galing sa hallway. Naiwanan ko bang bukas 'yong pinto?

Bumuntong-hininga nalang siya sa pagkuwestiyon sa sarili. Hindi narin niya alam at wala narin siyang pakialam basta't ang importante ay mabilis siyang makarating sa higaan. Bahagya niyang sinapo ang kanyang noo na habang tumatagal ay lumalala ang pagkirot.

Halos gapangin na nga niya ang daan papunta sa kama sa kagustuhan narin na magpahinga. At nang maabot na ang malambot na mattress ay dali-dali siyang nagtalukbong sa ilalim ng kumot at mabilis na napapikit sa antok.

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

"Shit!"

Gigil na hinagilap ni Xander sa carpet ang nalaglag niyang room card. Wari niya, sa dinami-dami pa ng araw na pwedeng magsaboy ng kamalasan ang tadhana ay ngayon talagang araw na ito nagpasyang pagbuhusan siya ng buwisit.

Pagkahanap niya sa kanyang card ay pilit at paulit-ulit niya itong ipinasok sa reader ng pintuan.

Beep. Beep.

Nang makapasok na siya ng kwarto ay dali-dali niyang tinanggal ang kanyang jacket at inihalang ito sa sahig. Hindi narin niya binuksan ang ilaw sa kagustuhang makatulog agad ng mahimbing. Namumuo na kasi ang hilo't pagod na mabilis na bumabalot sa kanyang katawan. Parang naparami nga ata ang kaka-isang shot pa niya sa bar.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon