Our Real Love (Chap. 23.4)

5.4K 105 73
                                    


Our Real Love

Chapter 23: "Real Love Remains..."

4.1 of 5

JARRET

Minsan tinatanong ko sa Diyos kung bakit kailangan niya pang gumawa ng mundo kung sa'n pwede magkamali ang tao o pwedeng masaktan. Bakit hindi na lang Siya gumawa ng mundong perpekto lahat? Masaya lang.

Bakit kailangan pang dumaan sa butas ng karayom bago lumigaya? Bakit kailangang magsakrapisyo kahit masakit para sa 'yo? Bakit kailangang magpakatanga para lang gumawa ng tingin mo ay tama?

At bakit kailangang saktan ko siya kahit na 'yun ang pinakahuling bagay na gusto kong gawin sa buhay ko?

"D*mn this sh*t..." bulong ko habang nakatitig sa mga bote ng alak na naubos ko na.

Masyado na 'kong matanda para sa problemang mga puso. Dapat sa ganitong edad, tinatawanan ko na lang lahat 'yan.

Kaso iba ang plano ng tadhana sa 'kin.

Nang marinig ko kay Adeline lahat ng mga bagay na inakala niyang ako ang may gawa, gusto kong isigaw sa kaniya na hindi totoo ang lahat ng 'yon, na hindi ko siya iniwan dahil sawa na 'ko o tapos na 'ko sa kaniya. At mas lalong hindi dahil wala akong balak na pakasalan siya.

Lahat 'yun...kasinungalingan.

Pero ano'ng mangyayari kung sabihin ko sa kaniya ang totoo?

May makakapagsabi bas a 'kin ng tamang gawin?

Bakit?

Babalik ba siya sa 'kin?

Iiwan ba niya si James para magkatuluyan kaming dalawa?

Makakaya ko bang gawin 'yun sa anak nilang si Andrea?

O sa mga taong naniniwala sa kaniya, o sa 'kin, na gagawin namin ang tama?

Makakaya ko bang hilahin siya sa mali dahil mahal namin ang isa't isa?

Pagmamahalan pa bang maituturing 'yon kung may mga bagay na gagawin kaming mali?

Hindi ako perpektong tao. Hindi rin ako santo o kung ano pa man pero...

Mas lalong hindi ako ganid. Alam ko kung kailan dapat humindi sa isang pagkakataon.

Kaya ginawa ko ang pinakamabigat na desisyon sa buhay ko, at 'yun ay ang panindigan ang kasinungalingang hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung saan nagmula.

I hurt her... O mas tamang sabihin na I killed her.

Sa nakita ko sa mga mata niya nang sabihin 'ko 'yung mga kagag*han ko, alam kong para ko na rin siyang pinatay.

Kaya alam kong mas tama ang ginawa ko.

She needs to forget everything about us. Ayokong may katiting siyang panghinayangan at mas lalong hindi ko gustong bigyan siya ng pag-asa na gumawa ng maling desisyon dahil sa katotohanang hindi ko ginustong iwan siya.

"Anak ng—Jarret naman!?"

Lumingon ako sa may pintuang papunta rito sa bodega. Ito 'yung lugar na pinaggagawaan ko ng kama ni Andrea. Nakaupo lang ako sa lapag habang nakakalat sa paligid ko 'yung mga bote ng alak.

Isang malaking torture ang oras na lumipas habang nasa bangka kaming lahat kanina.

Ang makita siya sa braso ng iba na dapat ay sa akin, parang pinipiga ang dibdib ko.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon