Our Real Love Special Update: YUAN'S POV

3.6K 131 55
                                    


ORL SPECIAL UPDATE

YUAN'S POV

"Sa tingin mo, Spam o Maling?" tanong ni Sawyer.

"Ano ka ba naman!? Dapat 'yung mas mahal para mas masarap!" sagot ko naman.

"Wala kayang expiration ang Spam. Kadiri, daming preservatives niyan," katwiran niya habang naglilista sa papel.

"Basta 'yung tama lang. Baka bigla niya ibalik sa 'tin," dagdag naman ni Lace.

Nandito kami ngayon sa gym na pinupuntahan namin ng team simula noong college pa. Dito kami lagi nagwo-work out, nagpapalaki ng mga muscles, at nag-uusap ng mga...medyo...sikretong bagay. Tulad na nga nitong napag-usapan namin na hindi ko inaasahang mangyayari. Don't worry, nothing serious naman.

Pero...medyo complicated.

"Kahapon, nakasalubong ko si Manager sa grocery. Malapit-lapit lang bahay nila sa 'min, 'di ba?" sabi ni Lace.

"Oh, nga pala, kamusta si Manager? Parang...'yung huling kita natin sa kaniya eh hindi maganda nangyari sa kanila no'ng girlfriend ni Manong Dare," kwento ko.

"Oo nga. Mag-offer sana akong ihatid siya pauwi kaso nawala e," sagunda naman ni Sawyer.

Napatingin ako sa kaniya. "Wala ka namang dalang sasakyan, ah?"

"Ah, oo nga, 'noh? Pero pwede naman kaming sumabay sa 'yo, riiiiight?"

"Ginawa mo pa 'kong driver. Anyway, Lace, so nagkita kayo...tapos?"

"Kinamusta ko siya, sabi niya ayos naman. Parang gusto na niya i-cut agad 'yung usapan kaso ngayon ko lang kasi siya nakausap kaya nagtanong pa 'ko ng nagtanong tungkol sa kaniya habang naglalakad kami. And then..."

"What?" mahinang tanong ko.

Para kasing nag-aalangan itong pare ko na magsalita.

"May nangyari kay Manager!??" biglang singit nitong si Sawyer.

"Pare, 'wag mo unahan," saway ko.

"Sorry, tagal ni Lace, eh."

Nagbuntong-hininga na muna si Lace bago siya ulit nagsalita.

"Napansin ko kasi, ako lang 'yung kuha nang kuha ng bibilhin para ilagay sa cart ko. Tapos siya...kung ano 'yung dala niya, hindi niya dinadagdagan."

"Ano ba dala niya?" tanong ko.

"E ano naman kung 'di siya kumukuha ng bibilhin?" tanong naman ni Sawyer.

"'Yung nasa basket niya, isang tray ng itlog at hotdog, then may...tingin ko, mga dalawang kilo ng bigas."

Napakunot noo namin ni Sawyer.

"Ano'ng problema do'n Lace? Akala ko naman kung ano na," sabi ko.

"Oo nga. Malay mo namang mahilig siya sa itlog at hotdog," habol ni Sawyer.

"Eh kasi...nang mapansin niyang napansin ko 'yung dala niya, ang sabi niya...dapat daw cart na kinuha niya. Tapos kumuha siya ng cart saka kumuha nang kumuha ng mga bibilhin tapos nang magbabayad na kami sa counter, nagsabi siya na mauna na 'ko kasi may nakalimutan daw siyang kunin. Sasabihin ko sana na hintayin ko na siya kaso babye na raw and see you next time. Kaya ayun, nauna na 'ko. Pakiramdam ko kasi parang ayaw niya makipag-usap kaya hinayaan ko na. Nagbayad na 'ko saka dumiretso sa sasakyan ko. Kaso...nakaka-bother 'yung kilos ni Manager."

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon