Chapter 33

15.4K 125 13
                                    

"Do you have to go?", sabi ko kay Josh. 

"Yes, I will see you next week, kapag nakapag leave na ako ng matino. Avoid going out late and going out by yourself. Kapag manggagaling sa duty dapat laging may kasabay. Understood?"

"Opo.", sabi ko at ginulo niya ang buhok ko. Sumakay na siya sa sasakyan at umalis. Hinintay ko siyang makaalis nang biglang may tumawa sa pangalan ko. 

"Zed?"

"Si Joshua? Bakit siya? Hindi mo ba alam kung anong ginawa niya sa akin? Masama siyang tao."

"Hindi siya ang nag-utos nung gabing 'yon."

"Alam mo? Pero siya pa rin ang gusto mo? Anong nangyari sa'yo Cassie? Hindi ka naman ganyan noon ah, diba ayaw mo nga sakanya? Nahulog ka rin ba katulad ng ibang mga babae?" Naglakad ako papalapit sa gate ng dorm at papalapit siya sa akin. 

"Sisigaw ako." Bakit ngayon pa walang tao?! It's Saturday Night kaya maraming dormers ang naglalakwatsa. Sisigaw na sana ako nang tumakbo siya papunta sa akin. Tinakpan niya ang bunganga ko at sinuntok. Naramdaman ko nalang na parang nanghina ako at itim na ang nakita ko. 

Nagising ako at nakitang nasa loob ako ng sasakyan ni Zed. 

"Saan tayo pupunta?" Nasa La Trinidad kami. "Bakit tayo nandito?"

"Gusto kong ipakita sa'yo kung anong makukuha mo kapag ako ang minahal mo." Hinanap ko ang phone ko pero hindi ko makita. 

Joshua, nasaan ka na? Bago siya umalis, may isinuot siya sa aking kwintas, GPS 'yon at mini alarm system na ginagamit nila noon sa undercover. Pipindutin ko lang yon at makikita ni Josh kung nasaan ako. 

"Zed, please don't do this. Your mind is playing tricks on you. You're not well. Please see a doctor."

"Wala akong sakit, hindi ako baliw."

"Hindi ko sinabing baliw ka. Ibaba mo ako." Hindi niya ako sinagot at nag-drive lang siya. Naiiyak na ako pero kailangan kong mag-isip ng paraan para makaalis. Ipinunta niya ako sa isang saradon planta ng tinapay. 

"Magiging sa'yo 'to Cassie." 

"Ayoko.", sabi ko. Nilabas niya ang phone ko at pinakitang tumatawag si Joshua. 

"Lintek."Tinapon niya ito. "Hindi kita sasaktan Cassie. Hindi ko alam kung bakit ako umabot sa ganito, pero hindi ko sinasadya."

"Sinuntok mo ako.", sabi ko. "Hindi ba 'yon sinasadya?" Lumapit siya sa akin. "Gago ka alam mong kaya kitang sipain sa mukha." 

"Hindi mo magagawa sa akin 'yon Cassie."

"Kaya kong gawin Zed." Tumingin ako sa paligid at nag-isip ng plano. Limang minuto mula dito, pwede kong takbuhin para makapunta ako sa malapit na store at hihingi ng tulong. Unti-unti akong lumayo sakanya at tumakbo. 

"Cassie! Huwag mo akong iwan!", sigaw niya habang hinahabol ako. Pabili ng pabilis ang takbo niya. Hindi ko nacontrol ang bilis ko dahil sa pababa ang kalsada, natapilok ako at gumulong gulong pababa. 

"Cassie! Okay ka lang?" 

"Huwag kang lalapit" sabi ko. Hindi niya ako pinakinggan at lumapit pa rin siya. Maya-may pa'y may sasakyan na lumapit sa amin at tumigil. Bumaba ang driver at tumakbo papunta kay Zed. Hindi ko nakita kung sino 'yon dahil sa liwanag ng headlights.

"Gago ka! Anong ginawa mo?!" Nakahiga ako sa kalsada at sugatan, nakilala ko ang boses. Walang awa niyang sinuntok si Zed habang si Zed umiiyak na at nagmamakaawa. Tumayo ako agad para awatin si Josh.

"Tama na Joshua, hindi niya ako sinaktan. May sakit siya, kailangan niyang magpagaling.", sabi ko. Huminahon siya at dumating na rin ang ibang sasakyan. Isang sasakyan ng pulis at isa naman sa mama at papa ni Zed. 

Kinuhanan ako ng pulis ng statement at dinala nila si Zed sa prisinto. 

"Anong mangyayari sakanya?"

"I guess he'll be referred to a Psychiatrist."

"Will he be okay?" Tumingin siya sa akin at sa katawan ko. Niyakap niya ako. 

"Tanga ka ba tinatanong mo 'yan eh ikaw nga 'tong mukhang hindi okay? Mukha kang kinaladkad. Let's get you to the hospital. 

Okay naman ako, puro gasgas lang. Kinwento ko kung ano ang nangyari at nanggagalaiti siya sa galit. "Good job for running away Cassie."

"You taught me that. You said once, if I think I can't handle the fight, run."

"I wish you'll run away everytime.", sabi niya. "Pero sa case ni Zed sana pinakitaan mo nalang siya, mas nasaktan ka nung tumakbo ka eh. Tsaka paano ka niya nasuntok?

"I was surprised.", sabi ko. 

"Oo na."

"Uy teka, magu-umaga na, wala ka bang pasok?" I called the manager, I'll stay with you first. Mamaya na ako babalik pagkahatid ko sa'yo.

"Mag bus ka."

"Hindi magd-drive ako."

"But you were up all night! Magbus ka." 

"Opo.", sabi niya. Hinatid niya na ako sa dorm at umalis. "See you on your graduation.", sabi niya. 

May dalawang buwan pa bago ang graduation. Ipinaintindi niya sa akin ang mga rason niya at masaya ako sa kung gaano siya nagmature. 

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon