Chapter 31

16.8K 176 11
                                    

May nag-text sa akin na unknown number. 

"Cassie, let's meet tomorrow at 2 pm in Session Road in front of Jollibee." Saang Jollibee? Tatlo kaya ang Jollibee doon?

"Sino 'to? Tsaka saang Jollibee?"

"It's a surprise, middle.", text niya. Si Josh ba 'to? Sinubukan ko siyang tawagan. Napakalame naman ng strategy nito? Ibang number, sino pa ba ang magtetext sa akin ng ganito? Siya lang naman nakakaalam na day-off ko bukas. 

"Excited akong nagbihis at nag make-up para sa pagkikita namin."

Naghintay ako sa harap ng Jollibee Session pero wala akong Josh na nakita. 

"Cassie?", sabi ng isang pamilyar na boses. Tumalikod ako para sundan kung saan nanggaling ang boses at nakita ko ang isang lalakeng naka corporate attire. Pamilyar siya pero hindi ko maisip. "Zed, remember?"

Oh my gosh. "Zed?! Ikaw na ba yan?" Tumango siya ngumiti. "Ang pogi mo na ah!"

"Oo, nakita ko nandito ka sa Baguio."

"Dito ka pala lumipat?"

"Oo, nandito kasi parents ko. Nagta-trabaho na ako ngayon."

"Ha? Teka hindi mo na tinuloy ang Nursing?"

"Hindi na, nag accountancy na ako. May reporting kami kanina kaya nakaganito ako.", sabi niya. 

"Wow, nakakatuwa naman na nandito ka. Paano mo nalamang  day-off ko ngayon? And pano mo nakuha number ko?", tanong ko. Tumawa siya. 

"Ah, nakita ko lang. Tara? Meryenda tayo, libre ko." Pumunta kami sa isang cake shop along Session Road at nagkape. "Kamusta ka na?"

"Okay naman ako, eto, ginagapang ang last sem, after nito magrereview na ako para sa board exam."

"Oh, I see so ilang buwan ka dito?"

"Five months.", sagot ko. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano pa hanggang sa napalalim pa ang usapan. 

"Cassie, may boyfriend ka na ba?", tanong niya. Umiling ako. 

"Pero, may tao akong gusto." Nagiba ang timpla ng mukha niya at biglang naging seryoso. 

"Sino?"

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Si Job pa rin ba?" Binitiwan ko ang kutsarang hawak ko. 

"Huh? He's with Cassie now. Ano bang sinasabi mo and why are you asking that?"

"Ah, wala, akala ko kayo pa rin.", sabi niya. "Sige, tapusin mo na 'yang kinakain mo." Hindi ko alam pero bigla akong hindi naging kumportable. 

Naalala ko bigla 'yung huli naming pagkikita, sinabi niya sa akin na babalik siya. Pero hindi naman na siguro ganon, baka nasabi niya lang 'yon dahil sa galit. Technically, ako ang lumapit sakanya, that means hindi niya ako pinuntahan. 

But it still feels eerie. May something sakanya na hindi ko masettle kung ano. 

"Hatid na kita?", sabi niya. 

"Huwag na.", sabi ko.  May dadaaan pa ako sa department store.

"Samahan na kita."

"Huwag na Zed, kaya ko na.", sabi ko ng firm. Hindi na siya pumalag at naghiwalay na kami. Hinintay kong makaalis siya at tumakbo ako papuntang sakayan ng jeep. 

Pag-uwi ko, nagtext siya sa akin. 

"Nice seeing you again. I hope you'll get home safe. Kita tayo ulit." sumagot ako ng smile emoticon.

Judger lang ba talaga ako o may kakaiba talaga?


When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon