Chapter 7

21.9K 229 5
                                    


"Ano to?", tanong ko. Isang black na card na may smiley face ang nakadikit sa usual na upuan ko sa klase.

"Baka naiwan ng last class?", sabi ni Zed. Binuksan ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Zed, may alam ka ba sa black card?", tanong ko. 

"Ano 'yon?"

"OMG. Is that what I think it is?", sabi nung kaklase kong nasa harap. Kinuha niya eto sa upuan ko at binasa.

"Cassie Pineda. Hey, that's you right? What have you done?"

"Minartial arts niya si Josh eh.", sabi nung isang kaklase pa namin. "Sabi nila galing daw sa Slayers yan."

"I will report this. This is harrasment.", sabi ko. Itinago ko ang card sa bag ko at pumunta sa Office of the Student Concerns.

"Miss, we've been receiving hundreds of complaints like yours claiming they received a threat. All are hoax and pranks or love confessions. Are you sure walang nagkakagusto sa'yo dito? And claiming that it was from the Slayers based from hearsay is not acceptable. You have to have an evidence."

"So ano pong gagawin ko dito maam? Natatakot po ako.", sabi ko.

"Don't let those stories take over your student life. Rest assured that in the history of Malaya University, there are no students bullied inside the university." Parang hindi naman 'yon ang naririnig at nakikita ko. Kailangan ma-report ng Slayers dahil bully sila. I need to find an evidence na galing sakanila 'to!

"Thank you po maam.", umalis ako pero may kaunting takot akong nararamdaman. May point sila, pwedeng may galit lang sa akin kaya ako tinatakot ng ganyan. But I should be careful.

"Alam mo Cass, hula ko fangirl ni Josh 'yan eh. May reputation 'yung Slayers kaya ang petty naman kung sasaktan ka nila or bibigyan ka ng ganyan. Sino ka ba?"

"Alam mo hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinasabi mo."

"No, what I mean is what's so special with you na after all these years biglang may black card ka, assuming na galing talaga sakanila eh hindi lang naman daw ikaw ang nakipagsapakan sa kanila. Pero na babae siguro oo."

"I guess you're right."

"Pero usap usapan ka ha. Minsan nga tinatanggi kong magkakilala tayo.", binatukan ko siya. "Joke see, bakit ba nananakit ka. Let me remind you that your taekwondo and your other self defense skills are not for you to beat up cute human beings like me."

"Eh anong gagawin ko dito?", tanong ko.

"Itapon mo, sunugin mo bahala ka." Itinago ko muna sa bag ko ang card at tinapos ang buong araw ng klase. Isang buwan na agad ang nakakalipas na parang hangin lang dumaan. 

"Ano? May naexperience ka bang weird? Creepy? Dangerous?", tanong ni Zed, umiling ako.

"So ibig sabihin hoax lang 'yan, sabi nga rin ng iba kong seniors hindi naman daw 'yan totoo. Hindi na nga rin nila alam kung saang storya nag originate 'yan. Pero, ang tanong lang, bakit ka nakatanggap niyan?"

"Ewan ko eh, alam mo nag investigate ako. 'Yung ibang nakatanggap, pranks , yung iba naman segway para magtapat ng feelings. Pero meron akong mga nabasang thread sa Internet na may mga nakatanggap na may actual encounter sa Slayers. Hindi naman sila nasaktan physically pero may mga nagsabi na nanakawan sila, nalugi negosyo ng pamilya nila, namatayan sila ng aso at meron pa ngang nakulong tatay nila." Tumawa si El.

"Nakakaloka ang mga tao, lahat ng 'yon pwedeng mangyari sa kung sino. Pati ba naman pagkamatay ng aso isisisi nila sa Slayers? Nakulong tatay?  Nalugi negosyo? Pathetic."

"I know right. Natawa nga rin ako nung nakita ko 'tong mga to. These stories made me believe this was a lie. The "urban" stories made a mere black card something to be scared of. Parang mga pamahiin sa Pilipinas. I get it, someone might have hated what I did to Josh kaya niya ako tinatakot. There, that's probably what happened. I rest my case."

"Good, now can we focus on the real thing?", sabi ni El. "Ang daming lumalapit nang soro sa akin."

"Ha? Diba bawal pa? Baka ma suspend yung soro ah?"

"Oo, kaya secret daw muna. Hindi pa naman official, nag o-orientation pa lang sila."

"Kahit na, paano kung malaman ng school na nag participate ka? Eh di ikaw pa ang napasama?"

"Chill, pwede kong i-defend na hindi ko alam, tsaka freshie pa lang ako wala namang orientation na nagsabing bawal pa."

"Gaga, basahin mo yung student handbook."

"Oo na, sige, I'll decline it.", sabi niya. "Ikaw? Any plans to join soro?"

"Nope, you know how I hate those kinds of organizations. Maybe, mga Nursing Orgs siguro? Meron ata eh. And if possible, sa Life Savers."

"Oh, that's great. Akala ko puro acads ka nalang eh."

"Hindi naman, kailangan din natin ng social life.", sabi ko. Nag facebook ako at nakita ang isang shared post tungkol kay Senator Harry Dela Rosa na nag donate ng 1000 school kits para sa mga bata sa Rizal. Sa picture, may nakita akong pamilyar na mukha. "El", sigaw ko.

"Oh bakit?!"

"Diba mga Slayers 'to?", itinuro ko 'yung mga lalaking naka black suit na nasa tabi ni Senator Dela Rosa. "So eto 'yung sideline nila. Legal ba 'to?"

"Yeah, permitted naman. Registered sila sa BIR at DOLE na outsource company. Sabi nila, mga seniors lang or alumni ang pwedeng magparticipate physically, yung mga mas bata, paperworks and other non-physical tasks ang ginagawa nila."

"Alam mo ba kung ilan ang members nila?", umiling siya.

"No one knows the exact number, sila-sila lang at kung ireregister nila membets sa school. Siyempre confidential 'yon. Maraming theories eh, na sampu, bente, isang daan, pero walang any validation na totoo 'yon. Basta, ang kilala lang at certain ang school ay yung mga officers. For this batch, yung apat na matatangkad na poging 'yon. Bakit ka ba interested?"

"Alam mo naman ako pinanganak na curious.", sabi ko.

"Just focus your mind on something else. Masyado silang maraming misteryo."

"Ikaw pa talaga nagsabi niyan eh ikaw nga yung maraming alam."

"Paano ba naman siyempre ka course ko si Josh, kuya Josh? Kaya maraming storya sa college namin. Huminga lang siya may bago nanamang pag-uusapan, ganon."

Buti nalang tahimik sa amin. Hindi ko maalis maging curious eh. All the mystery excites me.

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon