Chapter 3

26.4K 291 16
                                    

Bumalik na kami sa bahay, and I was hoping wala si Dad. Pagkapasok namin, parang naramdaman ko na ang malamig na hangin na para kaming pumasok sa haunted house.

"Hello Dad.", bati ko at nagmadaling naglakad. Sinubukan kong umalis agad sa paningin niya pero nararamdaman kong sinusundan niya ako ng tingin. Lord, have mercy.

"Stand right there young lady.", sabi ni Dad. Oops. Tinignan ko si Ellaine at ngumiti. 

"Bye, good luck.",sabi niya at umakyat na sa kwarto.

"Why Dad?", tanong ko na may ngiti na parang walang nangyari.

"Wala ka bang ikkwento sa akin?", tanong niya habang nagbabasa ng dyaryo. 

"Ha? Wala naman Dad? Bakit po?"

"Nalunod ka diba?"

"Ha? Hindi! Sino po ang may sabi?!"

"Cass, alam mo namang marami akong mata diba?"

"But Dad, I'm okay na! See? I can jump! " Parang tanga lang akong tumalon-talon para makita niyang okay talaga ako.

"Okay, personal driver, hatid sundo kayo. "

"Dad, nalunod ako, hindi ako nanakawan sa EDSA. Tsaka sanay na kaming mag commute ni Ellaine eh."

"Hindi ka ba susunod? Sabi ko sa'yo huwag kang pupunta sa malalim kapag sa dagat diba pero hindi ka nanaman sumunod. You know how that scares me so much." My mother died in the ocean, that's why.

"Sorry, susunod na po. " Nagpaalam na ako at nag-Good Night kahit hindi pa gabi. Baka sa umaga na ako magigising sa sobrang pagod ko. Sinabi ko kay Ellaine ang desisyon ni Dad pero masaya siya. 

"Don't you know the meaning of that? Lahat ng galaw at pupuntahan natin alam ni Dad. Sa tingin mo makakapag-party ka?"

"Eh di i-friend natin 'yung driver."

"Alam mo it's unfair bakit mas maluwag si Dad sa'yo kaysa sa akin. Ikaw ata tunay na anak eh.", tumawa siya. 

"You silly, mas mahal ka ni Tito kaysa sa akin."

"That's not true, he loves us equally."

"Hey, I'm not even hurt because you're really his true child. And you remind him of Tita, mukha mo pa nga lang eh diba? So naturally, mas protective siya sa'yo. I know he loves me but I'm not even jealous that he loves you even more." 

"Wow ang mature.", sabi ko at tumawa. Matapos ang malalim na usapan, natulog na ako. 

Ginising ako ni Ellaine sumunod na araw.

"Uy gising na diyan 12 hours ka nang tulog. Mag breakfast ka na. ", sabi ni Ellaine.

Nag stretching ako at bumangon. Nag breakfast kaming dalawa ni Ellaine ng pancakes at honeydew.

"Anong plano mo sa birthday mo?", tanong niya sa akin.

"Wala, ewan ko. Tinatamad na din ako. "

"Sa tingin mo sa college na natin mahahanap mga mapapangasawa natin?

"I doubt.", sagot ko.

"Ha? Bakit?"

"Mga immature pa 'yung mga nandoon. Imposibleng makahanap ka ng matino doon. "

"Kung maka generalize ka naman. Uy, naalala mo ba yung sinet up ko sayo? Yung iniwan mo kami dahil kunwaring magc-cr ka?", tumawa ako.

"Tapos hinanap mo ako pati sa CR, wala ang gaga! Naka off din ang CP ko nun eh. Pag uwi mo sa bahay, ayun nanonood ako ng teleserye. Hayy, good times."

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon